Jolina Magdangal to do a movie with Gabby Concepcion


After long years of absence from Philippine movies, former matinee idol Gabby Concepcion will make a showbiz comeback via a movie with Jolina Magdangal.



Dalawang sorpresa ang natanggap ni Jolina Magdangal sa birthday celebration niya kanina, November 4, sa SOP.

Una ang paglabas at pagkanta sa show ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz. Pangalawa ay pagbati sa pamamagitan ng phone patch ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion mula sa San Francisco.

Sorpresa talaga kay Jolina ang pag-appear ng kanyang boyfriend. After their song number ni Bebong, biro ni Jolina, muntik na raw siyang mahulog nang makitang kumakanta si Bebong.

Maganda rin ang boses ni Bebong, tulad ng yumao nitong kapatid na si Tenten Muñoz. Si Tenten ay kasamahan dati ni Jolens sa 14K, na ang iba pang members ay sinorpresa rin si Jolina sa surprise number para sa kanya.

Tinanong ng SOP co-host na si Ogie Alcasid si Bebong kung ano ang nakita niya kay Jolina para mahalin ito.

Sagot ni Bebong, "Kapag nahanap mo na raw ang babaeng para talaga sa iyo, iyon na talaga ang mamahalin mo. Nang una ko pa lang makita si Jolina, alam ko nang siya ang babaeng hinahanap ko. Gusto ko siyang alagaan, kasi nakita ko kung paano siya mag-alaga sa kanyang family. Ngayon, seven years na of being together, iyon pa rin ang gusto kong sabihin sa kanya, gusto ko pa ring siyang alagaan."

CALL FROM GABBY. Pagkatapos nito ay si Gabby naman ang bumati kay Jolina, na akala nga noong una ay binibiro lang siya ng co-host niyang si Janno Gibbs.

"Natututwa ako na nabati kita kahit sa telepono lang. Magkikita rin tayo nang personal," sabi ni Gabby sa kabilang linya.

"Salamat po, at sana magkita tayo pagpunta ko riyan 'pag may show ako," sagot naman ni Jolina.

"Oo, magkikita tayo. Kapag dumating ka rito, tawagan mo ako para sunduin kita. Ano ba gusto mo, limousine o jeep?"

"Siyempre limo, para sosyal!" natatawang sagot ni Jolens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang actual birthday ni Jolina, her 28th, ay sa November 6.

Kaugnay ng pagtawag ni Gabby kay Jolens ay kumpirmado na ang gagawin nilang project together sa GMA Films na kukunan sa Europe next year. Matagal nang alam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol dito, pero hindi pa kami pinayagang isulat dahil under negotiation pa ang lahat.

Kaya ang pagtawag na iyon ni Gabby kay Jolina ay nangangahulugan na ayos na ang negosasyon between the former actor and GMA Films.

Ang pelikula nina Jolina at Gabby ay magsisimula sa isang cruise na manggagaling ng Rome at pupunta ng Italy at iba pang European countries. As of now, hindi pa alam kung sino ang magdidirek ng movie, pero ang script ay tapos nang isulat ni Gina Marissa Tagasa-David.

Hindi pa rin kami allowed sabihin kung sino ang magiging leading man ni Jolina, but definitely hindi raw si Marvin Agustin iyon.

Natatandaan pa namin, na unang nagkakilala sina Gabby at Jolina nang minsang mag-show si Jolens sa San Francisco. Sa hotel na tinuluyan ng grupo nila ni Jolina, si Gabby pa ang naging bell boy nila na ikinagulat raw nila nang magpakilala ang dating aktor sa kanila. That time, wala pa sa real estate business si Gabby. Pero ngayon, isa na sa mga top realtors sa San Francisco si Gabby.

Isang side story pa rin na nagpapatunay na ayos na ang lahat kay Gabby at sa GMA Films. Kahapon, November 3, birthday ng GMA Films president na si Ms. Annette Gozon-Abrogar. Biro raw nito, feeling Sharon Cuneta siya dahil tatlong lalake sa buhay ni Sharon ang bumati sa kanya—sina Richard Gomez, Robin Padilla, at si Gabby nga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN