Most stars of "Shake, Rattle & Roll 9" are first timers


(From left) Lovi Poe, Dennis Trillo, and Katrina Halili are among the first timers in the horror franchise Shake, Rattle & Roll.



Sa tatlong Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ng Regal Entertainment this year, pinakahuling nag-pictorial ang Shake, Rattle & Roll 9 (SRR9).

Bago pa man nagsimula ang Marimar ni Marian Rivera at bago tumungong Canada si Iza Calzado for The Echo, nakapag-pictorial na ang Desperadas. October naman nag-pictorial ang Bahay Kubo nina Maricel Soriano, Mark Herras, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, at Marian.

This Sunday, November 4, lang nag-pictorial ang SRR9 sa Valencia compound ng Regal, supervised by Roselle Monteverde-Teo and Manny Valera. Nasa Jerusalem, Israel, si Mother Lily Monteverde since November 2 at two weeks pa bago siya bumalik.

Of all the stars ng SRR 9, tanging si Katrina Halili na lang ang hinihintay for the pictorial nang dumating ang PEP (Philippine Entertainment Portal). Manggagaling pa kasi siya sa taping ng Marimar. Tulad ni Katrina, most of the stars na magsisiganap sa horror trilogy ng Regal, first time na lalabas sa SRR.

Sa "Christmas Tree" episode directed by Paul Daza (who is also directing for the first time "a fulfillment after six years"), mga first timers sina John Prats, John Lapus, at Lovi Poe. Tanging sina Nash Aguas, Ms. Boots Anson- Roa, Tonton Gutierrez, at Gina Alajar lang ang nakakaulit na.

First horror movie rin ito nina John Prats at John Lapus, at first movie naman ito ni Lovi na pumirma ng eight-picture contract with Regal.

The second episode is "Bangungot," directed by Michael Tuviera from last year's "LRT 2" episode. Pangungunahan ito nina Dennis Trillo, Pauleen Luna, at Roxanne Guinoo na mga first timers din sa SRR.

Hindi naman ito ang first horror movie nina Dennis at Pauleen. Dennis had Txt (also directed by Tuviera), Pamahiin, and the upcoming Kulam; samantalang nasa White Lady si Pauleen last year.

The last episode is "Engkanto," directed by Topel Lee from last year's "Yaya" episode that started his career in mainstream movies. Dito, lahat ng stars ay unang beses sa SRR, sina Katrina, Matt Evans, Mart Escudero, Melissa Ricks, Jewel Mische, Felix Roco, at Sam Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang first horror movie ni Katrina at first movie nina Matt, Melissa, Jewel, Felix, at Sam. It's the second horror movie of Mart after Hide and Seek.

Isa sa anim na MMFF entries ang Shake, Rattle & Roll 9, na magbubukas sa Christmas, December 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN