New sitcom "Pare Koy" to replace "Prinsesa ng Banyera"


(From left) John Prats, Jayson Gainza, and Zanjoe Marudo will star in an afternoon ABS-CBN series titled Pare Koy.



Isang season lang ang itatagal ng Prinsesa ng Banyera nina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz. Napag-alaman ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa star ng isusunod na show kaagad dito, si John Prats.

Kasali si John sa Shake, Rattle & Roll 9, "Christmas Tree" episode, at nakausap namin siya sa pictorial ng movie sa Valencia compound ng Regal Films kagabi, November 4.

Ayon kay John, this week, magsisimula na silang mag-taping nina Jason Gainza at Zanjoe Marudo ng comedy soap na Pare Koy. Sa darating na Tuesday, November 6, ang first taping day nito sa Quezon City.

Ang mga role nila sa Pare Koy were culled from the characters na ginampanan noon nina John, Zanjoe, and Jayson sa defunct sitcom ng ABS-CBN na Aalog-Alog.

Sabi ni John, sa December na raw magpa-pilot ang Pare Koy pagkatapos ng Wowowee. This is the same time slot being occupied by Prinsesa ng Banyera na ngayon ay katapat ang Sine Novela ng GMA-7, Pasan Ko ang Daigdig nina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

Ang Prinsesa ng Banyera ang unang afternoon soap ng ABS-CBN after a long while. Iisang season lang ang itatagal nito sa ere kung sakaling papalitan nga agad ito ng Pare Koy next month.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN