Angelu de Leon encourages former lovers to bond with their daughters


"Kami ni Joko, we'll always be civil to each other. I think wala nayung galit. Nagkaroon na ng closure sa isa't isa. May pamilya na siya.Ako naman, okay na rin naman ako," says Angelu de Leon about Joko Diaz, the father of her first child Nicole.



Pagkatapos magpa-interview ni Joko Diaz tungkol sa kalagayan ng relasyon niya sa anak na si Nicole, nagsalita naman ang ina ng bata at dating karelasyon ni Joko na si Angelu de Leon sa The Buzz kahapon, November 5. Sinagot ni Angelu ang pahayag ni Joko na nami-miss na niya si Nicole.



"Kung gusto niya talagang makita, I'm very, very happy. Pero ito lang ang wish ko, sana ‘pag naumpisahan na niyang ganun, sana huwag maputol. Kasi mas masakit ‘yon sa bata na parang one time, big time lang ‘tapos see you after five years, ten years... Mas masakit ‘yon sa bata. Sana magkaroon sila ng day together," umpisa ni Angelu.



Masaya si Angelu dahil balita niya na maligaya si Joko sa piling ng sarili nitong pamilya.



Ayon sa aktres, "I'm very happy actually nung nalaman ko na nagpakasal na siya, nagkaroon na siya ng baby girl ulit. I'm sure ipinagdasal niya rin na makahanap ako ng taong pakakasalan ko. Pero I'm sure masaya na siya kasi alam ko may mga business na siya sa Batangas.



"Kami ni Joko, we'll always be civil to each other. I think wala na yung galit. Nagkaroon na ng closure sa isa't isa. May pamilya na siya. Ako naman, okay na rin naman ako."



Hindi lang si Joko ang puwedeng dumalaw sa anak ni Angelu kundi pati na si Jojo Manlongat na ama ng bunso niyang si Louise.



"It's important for my two daughters to know their fathers. And yun nga, hindi ko kayo sinisiraan, promise, sa mga anak ninyo. Ang gusto ko lang, makita ng mga anak ko na kusang-loob. Para at least wala silang masabing masama sa inyo. Parang natatakot din ako na baka mamaya baka burado na talaga sa memory nila na meron silang mga tatay," paliwanag ni Angelu.



Ipinahayag din ni Angelu na hindi niya inoobliga ang mga ama ng kanyang dalawang anak na magbigay ng sustento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Both of them, never ko prinessure ang tatay ng mga anak ko kasi nga kahit anong sabihin mo hangga't kaya ko naman kakayanin ko, e. Kung kusa nilang ibibigay, siguro mas malaking pasalamat pa ng mga anak ko kung yun ang gagawin nila. Mayabang na sa kung mayabang pakinggan, pero ayokong manglimos para sa mga anak ko," diin ni Angelu.



Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Angelu sa mga ama ng kanyang dalawang anak. "Joko and Jojo, you are welcome to visit your daughters, very much welcome. No problem with me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN