Anne Curtis still waiting for Sam Milby to court her


"At this point, Sam and I are not yet on a romance stage. Sabi ko nga,kailangan ligawan muna niya ako. If he does that, who knows in God'stime, baka maging kami na," says Anne Curtis about Sam Milby.


Hindi na maikaila ni Anne Curtis ang tunay niyang damdamin para kay Sam Milby. Kahit na anong gawin niyang pagliligoy tungkol sa kanilang relasyon, halata pa ring mahal na mahal niya ang binata.

"He's a very sincere and loyal person, that make him very special to me," pagtatapat niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero nilinaw ni Anne na huwag naman daw ipagkamaling meron na silang relasyon ni Sam. Para sa kanya raw, pamilya lang ang turing niya kay Sam ngayon, at dahil pati pamilya niya ay nagmahal na rin kay Sam, talagang kaya raw niyang gawin ang ilang mga bagay para rito.

Ang isa kasi sa mga ginawa ni Anne ay ang pagtatanggol niya sa isyu ng gender ni Sam. Nagsalita si Anne na sa anumang pagkakataon ay ipagtatanggol niya ito.

"I said, he's a very dear friend. So being one, I need to defend him whatever other people say," seryosong pahayag niya.

"I am not meddling in the issue they raise about Sam, but I know the real score so I come up and say my feelings. Hindi kasi totoo ang sinasabi nila kaya ipinagtatanggol ko siya. Kahit na sino pang kaibigan ko, ipagtatanggol ko kapag may maling paratang sa kanya," paulit-ulit na sabi ni Anne.

Sa isyu naman na meron na silang relasyon, maligoy nga si Anne at sinasabing mabuting magkaibigan lang sila ni Sam. Pero nadudalas din naman siya kapag tinatanong tungkol sa sinasabi niyang friendship nila.

"We're almost there, but I am waiting for him to court me [in] the style I wanted to," sabi ni Anne. "I am not young anymore and unlike before, I don't want to infer anymore. Na dahil close na kami, iisipin ko nang kami na.

"At this point, Sam and I are not yet on a romance stage. Sabi ko nga, kailangan ligawan muna niya ako. If he does that, who knows in God's time, baka maging kami na," nakangiti ngunit seryosong pahayag ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa dalaga, hindi na raw siya bata. In other words, nag-mature na raw siya. Noon daw kasi, sa ibang naging karelasyon niya, laging parang mabilis ang mga pangyayari, walang diretsahang courtship. Basta na lang daw naging sila na ng mga ito. Pero nitong kay Sam daw, nais na niyang ito ay tuwirang magtapat ng pag-ibig sa kanya.

Naungkat din ang mga pangalan ng mga naunang lalaking na-link sa kanya. Inamin niyang naging karelasyon niya ang mga ito, pero aniya, imposibleng makabalikan pa niyang sinuman sa kanila.

"They are just part of my past. What is important now is that I want to find the person I will truly love. I know God will bring him to me. When He does that, tatanggapin ko na siya," misteryosong sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN