Anne Curtis polishes her acting skills


"Flattered kasi nandun yung hard work paid off. It takes a lotof experience para mag-improve ang acting ko. Every day, ibang experiencenaman siya. I'm learning a lot pa. Nanonood ako ng mga movies," says Anne Curtis about her best-actress nomination in Star Awards for Television.



Unang lumabas si Anne Curtis sa Magic Kingdom ni Peque Gallaga na naging official entry sa Metro Manila Film Festival 10 years ago. Nadiksubre siya ng dati niyang manager na si Annie Ayroso.



Very Australian ang dating noon ni Anne, fit to be a little princess na role niya sa Magic Kingdom. Dito tinuksu-tukso na si Anne sa co-stars niya sa pelikula na sina Junell Hernando at Janus del Prado.

Kasunod noon ang pagkakaroon ng TV shows ni Anne at sinimulan siyang itambal kay Chubi del Rosario sa youth-oriented programs ng Viva Entertainment at GMA-7, ang T.G.I.S. and then H2K. Napabilang din si Anne sa grupo na binuo ng Viva kasama sina Maui Taylor, Vannah Garcia, at Aiza Marquez.

Ini-launch bilang teen star si Anne at ang ka-loveteam na si Chubi ng Viva sa Ika-13 Kapitulo, kasama sina Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Cherie Gil, at Albert Martinez. Pagkatapos ay naging regular na si Anne sa ilang programa ng GMA-7, gaya ng Nuts Entertainment, kung saan nakasama niya ang nagbabalik noon na dating child star na si Richard Gutierrez.

That time, madalas na siyang bantayan ng nobyo niyang si Oyo Sotto sa taping ng Nuts Entertainment. Hindi pa rin totally pumasok ng showbiz noon si Oyo. Mas pinili ni Anne si Oyo over Luis Manzano na manliligaw rin niya that time.

Nagkaroon din ng malaking isyu noon kay Anne about Oyo at isa pang manliligaw niya na si Cogie Domingo. Hanggang nag-break sila ni Oyo at naging boyfriend na ni Anne si Richard. Short-lived lang ang relasyon ni Anne kay Richard dahil lumipat na siya ABS-CBN.

Sa ABS-CBN niya nakatrabaho ang ina ng ex-boyfriend niyang si Oyo na si Dina Bonnevie, sa teleseryeng Hiram with Kris Aquino and Heart Evangelista. During that time, ang non-showbiz businessman na si Paolo Araneta ang boyfriend ni Anne. Nakilala ni Anne si Paolo through Rica Peralejo na girlfriend that time ni Bernard Palanca, na pinsan naman ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anak si Paolo ng dating Camay girl na si Maritess Revilla at apo siya ng beteranong aktor na si Amado Goyena. Pero nag-break din ang dalawa dahil sobrang abala si Anne noon sa kanyang career.



ACTING NOMINATION. Last year, kasama si Anne sa cast ng ABS-CBN drama series na Maging Sino Ka Man, kung saan na-nominate siya sa unang pagkakataon sa Star Awards for Television this year sa kategoryang Best Drama Actress.



"The very first time na-nominate ako nung filmfest, pero kasi lahat naman artista na kasama sa entry, nominated. But now, this is the first time na pinili lang kayo," pahayag ni Anne sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Ano ang pakiramdam na makilala na bilang aktres ng bagong henerasyon?



"Flattered kasi nandun yung hard work paid off. It takes a lot of experience para mag-improve ang acting ko. Every day, ibang experience naman siya. I'm learning a lot pa. Nanonood ako ng mga movies.

"Meron akong bagong tina-try ngayon, e. Titingin ka sa salamin ‘tapos kunwari paralyzed yung buong katawan mo. Hirap na hirap ako. And then, nag-start na ako mag-workshop," lahad ng young actress.



LUIS & ANGEL. Si Anne ang isa sa pinaka-close na babae from showbiz kay Luis Manzano. So, more or less, naikukuwento sa kanya ni Luis kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Angel Locsin.



"Si Luis, sobrang ang dami ng years nung friendship namin. Pero never talaga naging kami. Yung feeling ko na friends-friends, bahala na kung may mangyari; ngayon hindi na. Kami ni Manzano, kulang na lang talaga na kami na. Parang puwede na, ganun. Pero walang romantic involvement.



"Sila na ba?" tanong ni Anne tungkol kina Luis at Angel, sabay bigay niya ng makahulugang ngiti.



"Well, kung sila na nga," patuloy niya. "I'm happy for both of them. Tumatanda na rin si Manzano kaya masaya ako kung if he has found na talaga the girl of his life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bilang kaibigan ni Luis, ano ang mensahe niya kay Angel?



"Take care of him. He's very nice and napaka-gentleman," sabi ni Anne.

Coincidence naman na masasabi ang pagkakapareho ng listahan ng mga lalaking naugnay kina Anne at Angel. Naugnay din kay Angel sina Oyo, Richard, Cogie, at Luis.



"Parehas kasi kaming maganda. We're beautiful!" tawa ni Anne nang hingan namin ng reaksiyon sa similarities nila ni Angel.

Anyway, wish ni Anne na sa 2008 ay maging strict na siya sa pagpunta sa gym. Gusto raw kasi niyang gayahin ang pangangatawan ng Hollywood star na si Jessica Alba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN