Luis Manzano talks about women in his life but keeps lovelife private


"Everyone knows na I'm very vocal pagdating sa lovelife, hindi akonaglilihim. Pero simula nang lumabas ang issue na I'ma user daw, dahil lahat ng lumilipat na actress sa ABS-CBN nililigawanko, I decided to keep my mouth shut," says Luis Manzano about keeping his lovelife private.



Magkasabay na dumating sina Luis Manzano at Anne Curtis sa launch ng first fitness video nilang Bump & Burn from Viva Video kahapon, November 5, sa Jay's Steak House along Timog Avenue, Quezon City.

Ang Bump & Burn ay isang exercise program na ayon kina Luis at Anne ay talagang nakatulong sa kanila. Ipinagmalaki nga ni Luis ang abs niya, at si Anne naman ay medyo nagkaroon na raw ng laman ang kanyang biceps.

"I work out twice or thrice a week and I'm into different martial arts," sabi ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Right now, I'm practicing my Muay Thai dahil may coming competition akong sasalihan. Baka pumunta rin ako ng Thailand para mag-aral pa doon."

CLOSE FRIENDS. Samantala, biniro namin sina Luis at Anne kung bakit hindi pa nagiging sila samantalang ang tagal na nilang close friends.

"We don't know what the future holds, baka nga kami pa rin sa huli," sabi ni Luis. "Basta wait and see na lang kung sino ba ang ibibigay ni Lord sa akin. Kami naman ni Nippy [tawag ni Luis kay Anne], talagang soulmates na, nasasabi namin ang gusto naming sabihin sa isa't isa.

After Toni Gonzaga, na-link si Luis kay Anne, then kay Mariel Rodriguez. Ang latest na inili-link sa kanya ay si Angel Locsin. Pero bakit tahimik na yata ang balita tungkol sa kanila ni Angel?

"Everyone knows na I'm very vocal pagdating sa lovelife, hindi ako naglilihim," pauna ni Luis. "Pero simula nang lumabas ang issue na I'm a user daw, dahil lahat ng lumilipat na actress sa ABS-CBN nililigawan ko, I decided to keep my mouth shut. Tatahimik na lang ako, dahil hindi naman totoo ang sinasabi nila.

"Si Toni," patuloy niya, "nasa Eat Bulaga pa siya, kilala ko na. Wala pa siya rito sa ABS-CBN, although may Wazzup, Wazzup na siya sa Studio 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Anne, nakilala ko na siya, hindi pa siya artista. Siya nga ang nagsabi sa akin na nang una raw niya akong makita, sinabi niya sa sarili niya na magiging boylet niya ako."

Dagdag ni Luis, "Noong romantically linked kaming dalawa [ni Anne], nasa GMA-7 pa siya noon. Ni-risk ko ang career ko noon, ang talent fee ko... Birthday niya, nag-surprise appearance ako sa SOP, walang nakapigil sa akin. Napagalitan ako, pero nagawa ko yung gusto ko at napasaya ko siya.

"Kaya nang mag-birthday naman ako sa ASAP, in-expect ko naman na ibabalik niya ang gesture ko. Kaya nang sabihin nilang may sopresa raw sila sa akin, in-expect ko nang biglang mag-a-appear si Anne. Pero hindi, isang sulat lang ang ipinadala niya sa akin.

"Pero hindi nga nawala ang closeness namin. Lalo kaming pinag-usapan nang sabihin kong ang insurance ko, si Anne ang magiging beneficiary ko. Halos everyday noon, magkasama kami dahil sunud-sunod ang shows namin. Ngayon, after Ang Cute ng Ina Mo, madalas pa rin kaming nagkikita kahit wala na kaming show na magkasama, maliban kung nasa ASAP '07 din siya," kuwento ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano.

MARIEL RODRIGUEZ. Naitanong din kay Luis kung bakit hindi natuloy ang panliligaw niya kay Mariel.

"Nagkasama kami ni Mariel sa second Close-Up commercial ko. It's true na lumabas kami two times, nanood kami ng sine. Pero hindi ko naman siya niligawan, friends lang talaga kami," paglilinaw ng young TV host-actor.

Pero totoo ba na inayawan niya si Mariel dahil masyado itong maingay at madaldal?

"May iingay pa ba sa batang ito?" at kinabig ni Luis sa balikat si Anne. "Napakadaldal din nito," na parang iniwasan niyang sagutin ang tanong sa kanya.

CELEBRITY PARENTS. Dahil nagpepelikula na rin si Luis, may nag-suggest sa kanya na i-remake ang first movie ng daddy niyang si Edu Manzano, ang Alaga (1980).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, kumita lang daw ‘yon ng twenty pesos?" nagbibirong wika ni Luis. "Hindi ko po kasi napanood ‘yon."

May nagbiro rin kay Luis na noong kinu-conceive pa lang siya, ginawa ng mga magulang niya ang Romansa (1980). Nang isilang siya, ginawa ng mommy niya ang pelikulang Pakawalan Mo Ako (1981) at nang maghiwalay naman ang parents niya, ginawa ni Vilma ang Ex-Wife, (1981) na kumita raw nang husto sa takilya.

"And I'm glad na sa kabila ng nangyari sa kanila, they remained good parents to me and they are very good friends," nakangiti namang sambit ng binata.

PINOY DREAM ACADEMY. Bago natapos ang interview namin kay Luis, nilinaw niya ang issue na dinamdam diumano niya na hindi siya ang maghu-host ng Pinoy Dream Academy 2.

Ayon kay Luis, "Nagulat nga ako nang may nagsabi sa akin na nagso-sorry raw sa akin si Ryan [Agoncillo]. Akala ko nga, ang brother ko [Ryan Christian]. Kaya sabi ko, ‘Ano i-explain niya?' Pero si Ryan Agoncillo pala ang tinutukoy nila.

"Gusto ko po lamang linawin na never in-offer sa akin ang hosting job sa PDA 2. Wala rin talks about it at kahit ang manager ko, si Tita June [Torrejon], wala siyang sinabi sa akin na tinatanong niya kung gusto kong mag-host ng PDA 2.

"I just had a meeting with the [ABS-CBN] management and I will be busy next year dahil kasama sa plans nila sa akin ang isang hosting job, acting, which will take a lot of my time," pagtatapos ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN