Pauleen Luna asserts that Mayor Gatchalian stays out of her enterprises


"That is one good thing about Sherwin. He's very open-minded. Siya panga ang nagsasabi sa akin not to stop working dahil he wants me to bebusy," says Pauleen Luna about boyfriend Mayor Sherwin Gatchalian.



Glowing in red si Pauleen Luna sa pictorial ng Shake Rattle & Roll 9 last Sunday night, November 4, sa Valencia compound.

Binati namin siya ng advance happy birthday as she will celebrate her 19th birthday this November 10. Wala pa siyang balak kung ano ang gagawin niya sa araw na ‘yon, at wala pa rin daw regalo sa kanya ang boyfriend niya of five months na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.

The same day, Nov. 4, may isang broadsheet ang nag-headline sa kanya and her new businesses: a six-door apartment na kinu-construct right now somewhere in Quezon City and the newly-opened boutique Reborn.

"The headline's so funny," sabi ni Pauleen sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakasulat, ‘Pauleen's Wealth In Question.' What's so questionable about that? Mula sa mga first commercial ko abroad, nag-ipon na ako.

"Si P-chi [Rufa Mae Quinto] nga, natatawa sa nakasulat. Siya kasi ang nakakaalam na bata pa kami, talagang business na namin ang magpaupa. Nung nagsisimula pa lang kasi siya sa showbiz, sa isang unit ng family namin siya nakatira," kuwento ng young actress.

Business tradition na ng pamilya nila ang mag-build and rent, so it's not surprising na ito rin ang pasukin ni Pauleen. According to her, each unit costs more than a million pesos at lahat ito ay pera niya.

Five months pa lang sila ni Sherwin at early this year niya pinasimulan ang construction bago pa sila nagkakilala. Kaya lang daw siguro ngayon lumalabas ang balita dahil patapos na nga ito at ngayon, boyfriend na niya ang Valenzuela City Mayor.

Tungkol naman sa kanyang boutique na Reborn, inamin niyang may business partner siya rito, si Michael Hong, pero out din dito si Mayor Gatchalian.

"Personal business ko ito, clothing line. Bakit naman siya magkaka-interest sa damit pambabae?" tanong ni Pauleen.

Ayon kay Pauleen, the Gatchalians have been in the business of plastic since the early ‘80s. Sila ang may-ari ng Wellex. Sobrang laki raw ng kanilang compound sa Valenzuela, na dalawang barangay ang nasasakupan nito at may nasasakupan ding isang maliit na ilog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Pauleen kung bakit hindi siya nakipagsosyo kay Mayor Gatchalian.

"Mahirap," sagot niya. "Five months pa lang naman kami, so as it is, ang relationship namin, hindi pa ganoong ka-stable. Paano pa kung papasukan ng business?"

Sa kasalukuyan, napapanood si Pauleen sa Zaido tuwing gabi at sa Eat Bulaga! naman tuwing tanghali.

Si Dennis Trillo ang partner niya both sa Zaido at sa "Bangungot" episode ng Shake, Rattle & Roll 9.

Naitanong din namin kay Pauleen kung nagkakaproblema ba sila ni Mayor Gatchalian sa set-up ng showbiz, wherein she is partnered with someone and may possibility of kissing scene. Other than being politicians, conservative Chinese family ang mga Gatchalian.

"That is one good thing about Sherwin. He's very open-minded. Siya pa nga ang nagsasabi sa akin not to stop working dahil he wants me to be busy.

"Alam niya ang trabaho ko, so hindi siya nagtatanong tungkol sa partner-partner. As to the kissing scene, pinag-uusapan namin ito. I'm explaining things to him and he listens," lahad ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN