Nikki Gil: "I'm not elitista or matapobre."


Nikki Gil is one of the celebrities who endorses the mission of World Vision Philippines to promote education for the youth and uplift their lives.



Isa si Nikki Gil sa celebrities na nag-e-endorse ng World Vision Philippines na hindi tumatanggap ng bayad. Naniniwala si Nikki sa adhikain ng institusyong ito. Gaya ng ibang celebrities na nag-sponsor ng mga kabataan para makapag-aral at makapamuhay nang maayos, all-out ang support niya pati sa Celebrating Life concert sa November 24 sa PICC Plenary Hall, kung saan isa siya sa dapat abangang performers dito.



Sa Tom's World ng Robinson's Galleria nakadaupang-palad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nikki, at nagkaroon din kami ng pagkakataong usisain sa kanya ang ilang isyu. Naging usap-usapan nga kasi na siya ang "apple of the eye" noon niGeoff at bigla na lang kumalat din ang balita na nag-split na sila.


"Magkaibigan lang kami ni Geoff [Eigenmann], and there's no truth to those rumors that we had a relationship other than friendship," nakangiting paglilinaw ni Nikki. "Walang split dahil hindi naman naging kami."



Anyway, ano naman ang masasabi niya sa nalalapit na pag-e-endorse ni Geoff ng Handford underwear? Tiyak na hahataw ang billboards na naka-brief lang ang young actor.



"Okay lang 'yon. That's part of being an underwear endorser, di ba?" natatawang sagot ni Nikki. "Hindi naman sa nae-excite ako na para bang namamanyak ako sa kanya. Nabanggit niya kasi sa akin 'yan, kaya okay lang.

"No, hindi niya kailangang magpaalam sa akin," paglilinaw niya. "Wala naman kasi akong pakialam kasi decision niya 'yan. Okay lang sa akin kung ano ang decision niya, at walang dahilan para magbigay ako ng opinion. Definitely, hindi naman ako nandidiri sa kanya dahil lang diyan."



Nagkamabutihan din daw sila ni Luis Manzano, like Geoff, na parehong kasama niya as co-VJs (videojocks) sa MYX.



"You know naman how Luis treats women," sabi ni Nikki. "Napaka-gentleman niya. He's so sweet to everybody. Talagang nami-misinterpret lang na lahat nililigawan niya. Pero hindi ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAKE-UP TALK. Marami naman ang pumupuna na masyado yatang nagiging makapal mag-make-up si Nikki na kapansin-pansin, lalo na ‘pag umaapir siya sa MYX.



"Minsan talaga, kailangan heavy ang make-up ko riyan, lalo kung napapanood ako sa Mellow Myx, kasi parang Maalaala Mo Kaya 'yon na parang nag-a-advise ako through requested songs. Medyo seryoso. Kaya medyo mature yung dating.

"Pero most of the time, hindi ako makapag-make-up. Napapansin lang dahil kapag may pictorial, 'tapos diretso na sa taping, hindi ko na naaalis ang makeup.



"Most of the time, soft lang ang make-up ko, at very young and hip ang projection ko. Mukhang exaggerated lang ang feedback," tuloy-tuloy na pahayag ni Nikki.



HIGH SCHOOL MUSICAL.
Kontrobersiyal ngayon ang High School Musical star na si Vanessa Anne Hudgens na inaming siya yung nasa mga hubad na larawang ikinadismaya ng Disney TV. Kasama si Nikki sa local soundtrack ng High School Musical 2, kaya naitanong namin sa kanya kung ano ang reaction niya sa kontrobersiya na kinasangkutan ni Vanessa.

"May mall tour na kasi kami kaya napapanood na ako ng mga tao na parang part ng local High School Musical. Hindi nga lang ako kasama sa play dahil alangang ipareha pa ako kay Sam Concepcion, na obviously, mas bata kesa akin.



"We're promoting the soundtrack, at alam ko kung paano mag-respond ang mga kabataan sa High School Musical. Ako nga, sa halip na clowns ang gusto ng mga nagpapa-party, gusto nila, yung mga kasama sa musical o kaya'y doon sa mga identified sa songs.



"I feel bad for Vanessa, kasi kids really adore her. 'Tapos bigla na lang ganyan, may lalabas na mga ganyan. In a way, disgusting 'yon dahil alam ng lahat na talagang wholesome ang High School Musical, di ba?" sabi ni Nikki.



WOWOWEE.
Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya si Mariel Rodriguez, wala muna ito sa Wowowee at ang ipinalit sa kanya ay si Nikki. Wala bang negative reaction ang fans sa pagiging guest co-host ni Nikki, lalo na't may image siya na parang sosyal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Gusto ko lang ikorek sana yung notion that I'm elitista or matapobre, because I'm not. Sabi kasi ng iba, hindi ako pang-masa. I don't think so," depensa ni Nikki.



"With Mariel, who's now part of Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, inside the Big Brother House, wala akong alam na negative feedback, kasi ako yung pumalit sa kanya pansamantala.



"Sa nangyayari, laging ako ang tinatawagan ng Wowowee to appear on the show, habang wala si Mariel. So it goes to show, maganda ang feedback sa akin. For as long as gusto nila ako, okay lang, hangga't wala si Mariel. Wala namang problema," pagtatapos ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN