Jiro Manio, 15, stands up for love with 21-year-old girlfriend


"Marami na akong naging girlfriends, halos kasing-edad ko lang. Perolagi ko silang nakakaaway kasi mga isip-bata pa, e. Kaya ang gusto konaman this time ay yung mature na para mas magkakaintindihan kami," explains 15-year-old Jiro Manio about his relationship with a 21-year-old woman.



Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang cell phone ang binatilyong si Jiro Manio noong Linggo, November 4, para kunin ang kanyang reaksiyon sa naisulat na diumano'y gumagamit siya ng ipinagbabawal na marijuana.

Ayon sa pinakabatang Best Actor sa Philippine showbiz for his launching movie Magnifico (2003) ay wala itong katotohanan.

"Wala akong bisyo, hindi ako nagda-drugs," mariing sabi ni Jiro. "At never akong gagamit ng drugs. Hindi ko sisirain ang sarili ko sa ganyang mga bagay. Alam ko namang masama ang drugs sa katawan ng tao, so bakit ako gagamit nun?"

Samantala, kinumusta rin namin kay Jiro ang kanyang showbiz career at ang ilang bagay tungkol sa kanyang personal na buhay.

Busy ngayon si Jiro sa shooting ng Bahay Kubo, entry ng Regal Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival. Si Maricel Soriano ang lead star ng pelikula at si Jiro ang isa sa mga anak ng Diamond Star.

Second time na ni Jiro na nakatrabaho si Maricel sa pelikula, na una niyang nakasama sa Mila (2001).

AGE DOESN'T MATTER. May girlfriend na ngayon si Jiro, isang non-showbiz na nagngangalang Lhei.

"Mas gusto ko kasi yung hindi taga-showbiz ang girlfriend ko para hindi kami masyadong mapapag-usapan. Gusto ko may privacy ako pagdating sa lovelife ko.

"Almost five months na ang relasyon namin. Mabait siya, maganda, sexy, sweet, at thoughtful. Serious talaga ako sa kanya. Kaya kung mag-aasawa na ako, siya na ang gusto ko. Kaya lang malayo pa yung kasal kasi fifteen pa lang naman ako, e," lahad ng young actor tungkol kay Lhei.

Six years daw ang age gap nina Jiro at ng kanyang girlfriend. "Twenty-one na siya. Age doesn't matter naman, di ba?" rason niya.

May paliwanag si Jiro kung bakit mas may edad sa kanya ang pinili niyang maging girlfriend.

"Marami na akong naging girlfriends, halos kasing-edad ko lang. Pero lagi ko silang nakakaaway kasi mga isip-bata pa, e. Kaya ang gusto ko naman this time ay yung mature na para mas magkakaintindihan kami. Kahit fifteen pa lang ako, mature na rin naman ang isip ko," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN