Next season of "Prinsesa ng Banyera" is in the works


Contrary to an earlier report, Prinsesa ng Banyera starring Angelika dela Cruz (left) and Kristine Hermosa (right) will go beyond one season, according to the production team of the ABS-CBN afternoon soap opera.



Nag-react ang production staff ng ABS-CBN soap opera Prinsesa ng Banyera sa naisulat na hanggang isang season lang ang itatagal ng kanilang programa. Pinabulaanan ng ABS-CBN Corporate PR Directress na si Lorie Dionisio-Piravalasamy ang naturang balita sa pamamagitan ng text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Next season of Banyera is in the works. It is definitely extended and the creative team has reserve stories that can go as long as half a year, if necessary. Successful po kasi ang Banyera, not only with viewers but with advertisers especially, because lagi siyang almost full load," pahayag ni Ms. Lorie.



Ayon pa kay Ms. Lorie, wala pa raw definite date kung kailan sisimulan ang second season ng Prinsesa ng Banyera.



Para patunayan na magtatagal pa ang Prinsesa ng Banyera, may balita na ipapasok ang nali-link ngayon kay Kristine Hermosa na si Oyo Sotto. Madalas daw kasing "nakabantay" si Oyo sa taping ni Kristine, so might as well na isama na rin siya sa cast.



"May plans pero wala pang definite," text ulit ni Ms. Lorie tungkol sa napapabalitang pagpasok ni Oyo sa Prinsesa ng Banyera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN