Dennis Trillo inspired by his son Calix Andreas to work harder


"Basta, gusto ko lang matulad siya sa akin na mahilig sa video para paglaki niya, kalaro ko siya. Ire-ready ko na ang PSP niya," says Dennis Trillo about his son Calix Andreas.



Halatang hindi pa rin kumportable si Dennis Trillo na pag-usapan ang ex niyang si Carlene Aguilar at ang baby nilang si Calix Andreas. Maiiksi ang sagot ng young actor ‘pag tungkol kay Carlene at sa kanilang anak ang tanong sa kanya sa pictorial ng Shake, Rattle, & Roll 9 noong Linggo ng gabi, November 4, sa Valencia compound ng Regal Films.



Pero ang importante, sinagot ni Dennis ang mga tanong gaya ng sino ang kamukha ni Calix. Ayon sa binatang ama, hati raw sila ni Carlene pero nakikita raw niya ang kanyang sarili sa sanggol.



"Nawawala ang pagod ko 'pag nakikita ko siya at madalas ‘yon. If may free time ako, binibisita ko siya at minsan, after taping ng Zaido," lahad ni Dennis.



Ayon kay Dennis, okay naman sila ni Carlene. Pero ayaw muna niyang sagutin kung magkakabalikan sila dahil anything is possible, lalo't may anak na sila. Ang priority raw nila this time ay mapalaki nang maayos si Calix.



NAME GAME.
Kuwento ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal), share sila ni Carlene sa pagpili ng pangalan ng kanilang anak. Ibig sabihin, may communication sila habang nasa Amerika ang dating beauty queen at hindi totoong after nitong magsilang at saka lang sila nag-usap.



Sabi ni Dennis, "Choice ni Carlene ang Calix na nakuha niya sa baby.com, na ang ibig sabihin ay very handsome. Ang second name niyang Andreas ay galing sa akin. Kung bakit? Wala lang, gusto ko lang, magandang pakinggan. Ganun na rin ang nickname niya.

Nang tanungin naman namin siya kung kailan nila pabibinyagan si Calix, ang sabi ni Dennis, "Hindi pa alam, baka in a few months."

Siniguro rin ng young actor na malalaman ito ng press kapag may plano na sila.



Sa pang-uusisa ng PEP kung totoong hindi siya tanggap ng parents ni Carlene, heto ang napakaiksing sagot ni Dennis: "It's not true, I have no problem with her parents. Maayos naman at welcome naman ako sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HARDWORKING DAD.
Dahil sa anak, mas ganadong magtrabaho si Dennis ngayon. May times nga lang daw na hindi pa rin siya makapaniwalang tatay na siya.

Kapag naiisip ni Dennis ang anak, sumasaya raw siya at gumagaan ang pakiramdam niya. Pinaplano na rin niya kung ano ang gagawin nilang mag-ama paglaki ng bata.



Ano pala ang balak niyang gift kay Calix Andreas sa first Christmas nito?



"Ang hirap mag-isip dahil maliit pa siya at hindi pa niya maa-appreciate kahit gaano kaganda ang ireregalo sa kanya. Lego kaya? Basta, gusto ko lang matulad siya sa akin na mahilig sa video para paglaki niya, kalaro ko siya. Ire-ready ko na ang PSP niya," excited na sabi ni Dennis.



HORROR KING? Samantala, napansin ng PEP na bukod sa Aishite Imasu, puro horror movies ang ginagawa ni Dennis—gaya ng Pamahiin, TXT, Kulam, at Shake, Rattle & Roll 9, kung saan siya ang bida sa "Bangungot" episode. Safe na bang sabihing siya ang King of Horror movies?



"Ayoko ng ganyang title, ayokong matawag na King of Horror movies!" natatawang sabi ni Dennis.

"Sabagay, sa movies lang naman dahil sa TV, iba-iba ang ginagawa ko. Hindi nakakatakot ang Zaido, ha!"



Kinumpirma rin namin kay Dennis ang balita na si Joey Reyes ang magiging direktor ng pinaplanong Dennis-Marian Rivera movie ng Regal. Totoo ba ito?



"Narinig ko na rin ‘yan, pero wala pang formal offer," sabi ni Dennis. "Hindi ko alam kung kailan namin gagawin, pero sana matuloy. Okay ‘yon siyempre, lalo na ngayong maganda ang rating ng Marimar, groundbreaking siya. Para may ibang tambalang mapanood ang tao, payag akong makasama si Marian."

Sina Dennis at Marian ay parehong alaga ng talent manager na si Popoy Caritativo, kaya hindi imposibleng mangyari ang pagsasama nila sa iisang proyekto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN