PEP EXCLUSIVE: Angel Locsin refuses to divulge valid reason for leaving GMA-



"Tumatanaw pa rin ako ng utang na loob sa GMA-7. Kaya para sa katahimikan ng lahat, hindi ko na lang sasagutin ang tungkol sa katanungan kung ano yung mabigat na dahilan na 'yon para makapag-decide ako na, finally, lumipat sa ABS-CBN," declares Angel Locsin.



Hangga't maaari ay ayaw nang magsalita pa ni Angel Locsin tungkol sa pinagmulan niyang network, ang GMA-7. Pero ito naman kasi ang laging itinatanong sa kanya tuwing nakakaharap niya ang entertainment press.



"Sinasagot ko lang po nang maayos ang bawat tanong. Kasi, naniniwala ako na balang-araw, maiintindihan din nila yung naging decision ko," sabi ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Lobo sa Binondo, Manila.



Patuloy ni Angel, "Marami kasi ang nagsasabing there must be a very valid reason why I left GMA-7. Yeah, there is. Pero hayaan na lang na sisihin nila ako kahit hinuhusgahan na nila ako. Hindi nila alam ang buong pangyayari.



"Hindi ko rin naman masasabi dahil baka lalo pa akong makasakit ng tao. Tama na yung ganito. Sabi nga nila, masaya na rin ang lahat sa nangyayari, so let it be," sambit pa ng young actress.



Kung anuman ang mabigat na rasong 'yon para magtulak kay Angel na mangibang-bakod, panahon din lang ang magsisiwalat nito.



"Mahirap nga kasing magsalita dahil ang sasabihin talaga, wala akong utang na loob," diin niya. "E, kahit ano ang ipaliwanag ko tungkol sa bagay na 'yan, hindi rin ako basta paniniwalaan.



"Tumatanaw pa rin ako ng utang na loob sa GMA-7. Kaya para sa katahimikan ng lahat, hindi ko na lang sasagutin ang tungkol sa katanungan kung ano yung mabigat na dahilan na 'yon para makapag-decide ako na, finally, lumipat sa ABS-CBN," pahayag ni Angel.



SMOOTH SAILING. Para mag-move on na ang lahat, 'ika nga, nabanggit ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na masaya siya sa pagtatrabaho niya sa ABS-CBN.



"Smooth sailing ang lahat," napapangiting lahad ni Angel. "Nararamdaman ko talaga na aalagaan ako. Although sa simula, siyempre, may apprehension ako. Lumipat kasi ako from another network. Pero ngayon, maraming sumusuporta sa akin dito. Marami na akong kaibigan dito, kaya happy talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko makakalimutan na inalagaan din ako ng GMA-7. Pero at this point, mas mabuti talagang huwag na lang magkaroon ng comparison. Gusto ko kasing magtuloy-tuloy na lang sa pagtatrabaho," sabi pa ng young actress.



MARIAN RIVERA. Sinadya ng PEP ang taping ng Lobo kahit wala pa sa bansa ang leading man ditong si Piolo Pascual. Kapansin-pansin ang mainit na pagtanggap ng mga taga-ABS-CBN kay Angel, lalo na ang nagdirek sa kanya that taping day, si FM "Erick" Reyes.



Sabi ni Direk Erick sa amin, "Masaya na rin naman, kasi okay na sila roon sa kabila. I'm happy, kahit Kapamilya network ang pinagtatrabahuan ko, na mataas ang ratings ng Marimar.



"So, ang ibig sabihin lang niyan, they have made Marian Rivera. Household name na siya, sikat na sikat. Siguro, it can help ease down the pain na nararamdaman nila sa pag-alis ni Angel sa kanila," patuloy ng direktor.



Para naman kay Angel, wala siyang masasabing negatibo tungkol kay Marian dahil proud daw siya rito.



"Mabait si Marian, kaya deserving siya sa break na ibinigay sa kanya," sabi ni Angel. "Sabi nila, para raw talaga sa akin 'yon [Marimar], but I don't see it that way. The fact na pumatok 'yon because Marian is the lead actress, ibig sabihin, talagang para sa kanya 'yon."

LEADING MEN. Another Kapuso star na parang pinagtampuhan ni Angel ay si Dennis Trillo dahil sa pagsasabi raw nito na hindi siya dapat umalis ng GMA-7.



"Wala 'yon," sabi na lang ni Angel. "Kung wala naman siyang sinabing masama, e, di wala. Siguro na-misinterpret lang ang sinabi niya, kasi Kapuso pa rin siya.



"Pero basta ako, susuportahan ko pa rin si Richard [Gutierrez]. May pinagsamahan din kami kasi ni Dennis, at sila ni Richard ang ipine-pair sa akin noon, kaya maiintindihan ko palagi yung point nila."



Pero iba nga kasi sila ni Richard, na kahit hindi sila nakakapag-usap, nagkakaintindihan talaga sila. May mga nagsasabi naman na baka dahil kay Angel, kapag natapos ang kontrata ni Richard sa GMA-7 ay baka lumipat din ito sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hay naku, huwag ganyan!" tili ni Angel. "Mamaya, ako na naman ang bagsakan ng sisi kapag may ganyang lipatan. Hindi siguro. Ayokong mag-comment diyan at baka pagalitan na ako.



"Basta, maski naman noon, sinasabi kong ang dream leading man ko, si Piolo [Pascual]! At least ngayon, hindi na siya dream. Reality na," at natawa na lang ang young actress.



Kung patuloy na may masasabi ang iba kay Angel, dedma na lang daw siguro siya.



"Kahit ano pa ang sabihin ko, hindi ko sila mapi-please, at wala akong plano. Kaya puro trabaho na lang ako. Bahala na sa akin si Lord. Alam kong hindi rin Niya ako pababayaan sa mga naging desisyon ko," pagwawakas ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN