Marian Rivera vs. Katrina Halili in bikini showdown


Marimar co-stars Katrina Halili (left) and Marian Rivera (right) donned their skimpiest two-piece bikinis for a scene in the number one primetime program in the country today.



Kinunan na ang bikini showdown nina Marian Rivera at Katrina Halili sa isang resort sa San Pablo, Laguna, kahapon, November 6, para sa Marimar. Inabot daw ng late ang mga eksena dahil sa pagkuha ng maraming anggulo sa katawan nina Marian (Marimar/Bella) and Katrina (Aldama/Angelika Santibañez).

Hindi lang patalbugan ng katawan ang nasaksihan ng mga taong nasa paligid ng taping ng Marimar, kundi pati ang away nila para sa atensyon ni Sergio Santibañez, na ginagampanan ni Dingdong Dantes.



For the first time ay nag-two-piece bikini si Marian kaya kinakabahan siya sa eksena nila ni Katrina. Nag-diet daw siya nang husto para ma-achieve niya ang magandang hubog ng katawan.



"Ninenerbiyos ako kasi never pa akong nagsuot ng ganito ka-sexy!" tila nahihiya pang pahayag ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Noong mag-audition kasi ako, may takip sa ibaba ang two-piece ko kaya okay lang. Pero kinabahan na ako doon.



"Pero dahil sa ako si Marimar at sinabi ko na gagawin ko ang best ko, panininindigan ko ito. Kaya dusa ako sa diyeta. Nag-workout din ako as much as I can para mas makatulong sa pagpapapaganda ng katawan ko."



Para kay Katrina naman, hindi na bago sa kanya ang magsuot ng bikini. Nagbiro pa nga si Katrina na pang-everyday na kasuotan na lang daw yata niya ang two-piece bikini.



"Hindi na ako worried unlike noong mga una times ko na mag-bikini. Hindi ako confident noon. Pero ngayon, kahit araw-arawin na natin!" sabay tawa niya.

"At siyempre, maraming salamat kay Dra. Vicki Belo para sa makikita nilang bikini showdown namin ni Marian," pahabol niya.



Twice nang naging FHM's Sexiest Woman in the Philippines si Katrina. Sa mga teleserye na nilabasan niya, parating kakarampot na tela lang ang nasa katawan niya. Kaya hindi nakakagulat na muling mag-standout ang kaseksihan niya.



"Hindi po ‘yon sadya! Parang natural na lang sa akin ‘yon, eh!" sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa eksena namin na ito ni Marian, hindi lang paseksihan ito kasi matindi ang drama naming dalawa. Kumbaga, pagtutuos ito kung sino ang pipiliin ni Sergio. Kaya ‘yan ang abangan nila," pambibitin pa ni Katrina.

SERGIO'S DELIGHT. Speaking of Sergio, gulat na gulat din si Dingdong Dantes sa kaseksihan na ipinakita nina Marian at Halili nang kunan ang bikini showdown ng dalawa sa Marimar. For the first time daw kasi ay hindi niya alam kung sino ang tititigan niya.



"I am like the luckiest man on television today!" tawa ni Dingdong. "Imagine, may Marian ka na, may Katrina ka pa! What more can a man ask for, di ba?"



Hiningan namin ng kanyang rating si Dingdong sa kaseksihan nina Marian at Katrina. Sa scale from one to ten, ano ang maibibigay niya sa dalawa?



Ayon sa young actor, "Ang masasasabi ko lang ay magkaiba sina Marian at Katrina. Pareho silang sexy, pero magkaiba ang personalidad. Hindi na kailangan ang mga numbers to rate them.



"Si Katrina, she's so confident with her body. Wala kang ma-feel sa kanya na kinakabahan siya because she knows na napak-sexy niya. Siyempre naman, two-time FHM Sexiest siya, di ba? Iba ang dating ni Katrina because she has the body and her morena skin compliments her.



"Si Marian naman," patuloy niya, "nandoon pa rin ang innocence niya kahit na nakasuot siya ng sexy bikini. Kahit na nagpapakita na siya ng strong personality as Bella, nandoon pa rin ang pagiging conservative niya. Hindi niya alam na napaka-sexy pala niya. Marami nga ang nagulat, pati na ako. Talagang kinarir niya ang pagpapaganda ng katawan kasi nga si Katrina ang makakaharap niya."



Hindi na bago si Dingdong sa ganitong eksena dahil nauna na ngang humarap sa kanya sina Katrina at Cristine Reyes na nakasuot ng sexy bikinis sa isang eksena ng Marimar sa Zambales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nilagnat yata ako after that! Hindi ko alam ngayon at baka kumbulsyon na ang abutin ko after this scene!" malakas na tawa ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN