Sherilyn Reyes almost rejected her villain role in "My Only Love"

Comedienne Sherilyn Reyes plays one of the main kontrabidas in GMA-7's new Sine Novela My Only Love, starring Rhian Ramos and Mark Herras.



Muntik nang hindi tanggapin ni Sherilyn Reyes ang role bilang tiyahin ni Mark Herras sa bagong Sine Novela ng GMA-7, My Only Love.

Pero nilinaw ni Sherilyn sa presscon ng My Only Love kagabi, November 7, na hindi rason ang pagiging kontrabida niya sa naturang drama series kung bakit muntik na niyang tanggihan ang offer. Ang dahilan daw ay gusto siyang pagpahingahin ng kanyang asawa na si Chris Tan dahil masyado na siyang napapagod sa trabaho.



"Tama na raw yung daily show na Moms sa QTV 11," sabi ni Sherilyn. "Kasi before, noong meron pang Bahay Mo Ba 'To, nakikita nga ng mister ko na parati akong pagod. Ngayon kasi, hindi lang naman Moms ang pinagkakaabalahan ko, may mga guestings ako at may ibang raket pa akong ginagawa.



"Kung si Chris lang talaga ang masusunod, he wants me to take things slow. Mas gusto niya na mas marami akong time for him at sa mga anak namin. But I try naman my very best to still have that quality time with my family."



Dagdag pa niya, "May mga nagsabi nga sa akin na sayang naman kung palalampasin ko ang offer na magkaroon ng daily soap. Marami raw artistang gustong magkaroon ng daily show, ‘tapos ako tatanggi?



"So, pinag-isipan ko naman and nagkasundo kami ng husband ko. Sayang din dahil pandagdag din sa bayarin ang kikitain ko sa soap drama, di ba?" sabay tawa niya.



First time na gaganap na isang kontrabida si Sherilyn sa isang soap opera kaya medyo kinakabahan siya, lalo pa't ang katunggali niya sa pagiging kontrabida sa My Only Love ay ang co-star niya rin dati sa Bahay Mo Ba ‘To na si Gladys Reyes.



"Naku, sa kanya ako humihingi ng tips para maging effective na kontrabida. Never pa kasi akong naging kontrabida talaga, except sa Sugo noon pero nagiging monster naman ako doon. Dito [sa My Only Love], talagang mataray ang projection ko," lahad ni Sherilyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa November 12 na magsisimula ang My Only Love, kung saan tampok ang tambalan nina Rhian Ramos at Mark Herras sa direksiyon ni Louie Ignacio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN