Rhian Ramos gets big break in GMA-7 soap "My Only Love"

"I just want Ms. Sharon to know what a big deal this project meant for me," says Rhian Ramos about reprising Sharon Cuneta's role in My Only Love.



Mukhang pagkatapos ni Marian Rivera ay ang young actress na si Rhian Ramos ang ginu-groom ng GMA-7 para maging next big star ng Kapuso network. With a big break like the afternoon soap opera My Only Love,—isang romantic movie noong dekada ‘80 na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion—siguradong mas lalong kikinang ang bituin at iinit ang pangalan ni Rhian.



Pero tiyak din na ang kapalit nito'y mabigat na pressure for Rhian. Either iku-compare ang kanyang akting sa Megastar o dapat ay mapataas niya ang ratings ng show. Hindi kasi kaila na pagdating sa afternoon drama ay hataw ang GMA-7 shows sa ratings.

Kinakabahan ba si Rhian sa project na ito?



"Malaking pressure talaga ito on our part, kasi nga, sa timeslot na papalitan namin [Kung Mahawi Man ang Ulap] ay mataas ang ratings," panimulang pahayag ni Rhian nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Only Love sa Cucina Guagua resto sa Quezon City kagabi, November 7.

"Of course," patuloy niya, "gusto naming mapantayan 'yon kaya ginagawa namin ang best namin. Group effort siyempre para maging successful ang show. With the story, gusto naming maka-touch ng heart ng televiewers. I assure you that this is really a beautiful TV series.



"With regards sa expectations ng tao because this was a Sharon Cuneta blockbuster romantic hit movie before, siyempre nakakakaba dahil nandun nga yung expectation kung kaya ko bang i-fill ang shoes ni Ms. Sharon. I mean, she's a big, big star and it's really an honor for me na sa akin mapunta ang role na ito. I just want Ms. Sharon to know what a big deal this project meant for me," sabi ni Rhian.



MARK HERRAS.
Meanwhile, first team-up nila ni Mark Herras ang My Only Love. How does it feel working with Mark for the first time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At first, naiilang ako especially nung first taping day namin," pag-amin ni Rhian. "But later on, naging comfortable na rin ako sa kanya. Madali naman kaming naging at ease with each other. He's a nice guy. All I can say about Mark is good things naman."

Since silang dalawa ni Mark ang magkatambal dito, siguradong eventually ay pilit silang ili-link sa isa't isa. Sa tingin ba ni Rhian ay boyfriend material ang binata?



"I have big amount of respect to him," sagot ng dalaga. "Actually, StarStruck days pa lang niya, bumilib na ako sa kanya. He's extremely admirable! Hindi mahirap mahalin ang isang Mark Herras."



So, ibig bang sabihin nito ay may chance sakaling pormahan siya ng binata?



"We'll see," aniya. "But right now kasi, ang focus ko talaga ay ang career ko. Mark is a very good leading man, napaka-gentleman niya."

Hindi ba natatakot si Rhian dahil ang image ni Mark sa showbiz ay isang playboy?



"In fairness to Mark, he is not a playboy. I don't see him as that. I think he's young kasi and he's just enjoying his life. Siguro, like a typical teenager," pagtatanggol ni Rhian sa kanyang katambal.



HATE MAIL.
Samantala, sa kasikatang tinatamasa ni Rhian ngayon ay hindi maiiwasang kadikit nito ang mga intrigang pilit ikinakabit sa kanyang pangalan. Biktima nga ang dalaga ng mga hate mail na ikinakalat sa Internet. Puro paninira ito sa image niya.

Ilan sa isyu kay Rhian na tinutukoy sa mga email ay ang kanyang pagiging flirt, playgirl, at pumapatol pa raw sa tomboy. May mga photos ding naka-attach para patunayang totoo ang kanilang sinasabi. Hiningan namin ng reaksiyon ang dalaga ukol sa bagay na ito.



"Actually, nakakairita na rin ang issue na ito, e," sabi niya. "Halatang imbento lang ang lahat ng kuwento. Sana, kung sino man ang nagpapakalat nito ay lumabas na at sabihin sa akin nang harapan ang lahat ng accusations niya about me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero saan ba nanggaling ang mga litratong naglalabasan sa Internet, kung saan ay may mga "kissing photos" pa siya with her male friends?



"They're in my personal Multiply site po, which I haven't touched for the longest time since I entered showbiz," sambit niya. "I don't see any malice doon sa mga pinost nilang pictures ko. Wala namang malisya ‘yon as those are pictures of friends with friends. They're all friends and schoolmates, all of them known by my Mom personally by name."



Hindi pa ba talaga siya nagkakaroon ng boyfriend at hindi rin totoong nakikipag-on siya sa mga lesbian?



"Lalaki nga di ko pa nata-try, babae pa kaya? Walang masama sa pagiging tibo, pero yung ibinibintang kasi nila sa akin are all lies. I'm not ashamed to say that I like boys!" paglilinaw at pagtatanggol sa sarili ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN