Jenica Garcia is passionate about her craft

"Bata pa lang, gusto ko na talagang mag-showbiz. Perohindi ko akalain na ganito talaga kalakas ang passion ko para satrabahong ito. Yung craft mismo, yung acting, I really enjoy what I'mdoing right now," says Jenica Garcia.



Enjoy ang young actress na si Jenica Garcia sa buhay-showbiz. Bukod kasi sa nasa dugo niya ang pagiging artista dahil sa mga magulang niyang sina Jean at Jigo Garcia, matagal na niyang pangarap na maranasan ang umarte sa harap ng camera. Kaya naman handa niyang gawin ang lahat para ipakitang karapat-dapat siya sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.

"Thankful talaga ako. For me, it's a blessing from God. It's something that I should be very thankful of," saad niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, November 6, sa isang late dinner sa taping ng Magpakailanman para sa episode na "The Wilma Sabido Story." Ipalalabas ito mamayang gabi.

Patuloy niya, "Bata pa lang, gusto ko na talagang mag-showbiz. Pero hindi ko akalain na ganito talaga kalakas ang passion ko para sa trabahong ito. Yung craft mismo, yung acting, I really enjoy what I'm doing right now.



"Hindi ko na-imagine ang ganito, na kahit sobrang pagod na ako, pero kapag nakikita ko ang sarili ko sa TV, kapag nakikita ko ang mga ginagawa kong trabaho, masaya po talaga ako at nag-e-enjoy nang sobra. ‘Tapos nandiyan pa ang mga sumusuporta sa akin, kaya talagang dapat na magseryoso ako sa aking trabaho at pagbutihin ito nang husto."

Game ba siya sa mga intriga at mga hirap na posible niyang maranasan in the future?

"Kahit nahihirapan ako, deep inside ay masaya ako," sagot ni Jenica. "Marami kasing nasa katayuan ko ngayon ang gustong makapasok sa showbiz. ‘Tapos alam mo ‘yon, ako ang nabigyan ng chance? Kaya ayoko pong sayangin ang opportunity na ito.

"Pagdating naman po sa intriga," patuloy niya, "part talaga ‘yan ng showbiz, e. Lahat naman po yata ng artista ay nakakaranas ng intriga. Umpisa pa lang, alam kong kasama ‘yon kaya handa po ako kung anuman ang darating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER PARENTS' DAUGHTER. Aminado rin ang newcomer na utang niya sa kanyang mga magulang, partikular kay Jean, kaya siya nagkaroon ng puwang sa mundo ng showbiz.

"Sa sobrang dami po ng nag-aartista ngayon, kapag ano... Hindi ako mapapansin kung hindi ko mommy si Mama, kung hindi ako anak ng isang Jean Garcia. Ang daming nag-aartista, ang daming gustong mag-showbiz, ganyan... Kumbaga, kaya rin siguro ako nabigyan ng project dahil anak ako ni Mama.

"Kaya feeling ko, sobrang blessed ako at nagpapasalamat ako sa ating Panginoon. Pero alam mo ‘yon, sa mga nangyayari sa akin ngayon, konektado talaga ang Mommy ko, e. Aminado ako na hindi talaga ako mapapansin kung hindi ako anak ni Mama," diin niya.

Ipinahayag din ni Jenica na bilib siya sa ina, hindi lang sa pagiging magaling nitong aktres, kundi sa pagiging matatag na babae.

"Idol ko po si Mommy ko, sobrang bilib ako sa kanya!" bulalas ng dalaga. "Alam mo ‘yon? Kung meron man po siyang nagawang pagkakamali noong dalaga pa siya, siguro kung ako ‘yon, baka bumigay na ako.

"Matapang po si Mommy ko, yun siguro ang difference namin. I'm weak and she's really lot stronger than me."

MART ESCUDERO. Ano naman kaya ang comment ni Jenica sa sinabi kamakailan ng father niyang si Jigo na dapat ay maghinay-hinay muna sila ng ka-loveteam at suitor niya na si Mart Escudero dahil maganda ang takbo ng kanilang career at pareho pa silang mga bata? Ibig bang sabihin ay nagkakaigihan na talaga sila ng young actor?

"Tama naman po ang Papa ko," pagsang-ayon ng young actress. "Nag-artista po ako, pinasok ko ang industriyang ito hindi para atupagin ang boys, kundi ang career ko.

"Iyon pong sa amin ni Mart, nasabi lang ng daddy ko ‘yon na parang pangaral lang. Wala naman pong seryoso sa amin ni Mart. Kaya lang, hindi talaga maiiwasan sa isang ama na maging concerned sa kanyang anak."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN