Mark Herras's career and lovelife going strong

After his short stint in La Vandetta, young actor Mark Herras (in photo) is starring in GMA-7's new Sine Novela, My Only Love, opposite Rhian Ramos. He is also in the cast of Robin Padilla's Joaquin Burdado, where he will paired again with ex-girlfriend Jennylyn Mercado.



First time magkakasama nina Mark Herras at Rhian Ramos sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na My Only Love. Pero hindi raw nahirapang mag-adjust ang binata kay Rhian dahil napakasarap katrabaho ng kanyang leading lady.

Ito ang naging pahayag ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Only Love kagabi, November 7, sa Cocina Guagua sa Sct. Esguerra, Quezon City.



"Okay ang working relationship namin ni Rhian," sabi ni Mark. "Akala ko nga noong una mataray siya, pero hindi pala dahil napaka-jolly at approachable niya. I like her working attitude also dahil napaka-dedicated niya sa trabaho. Bata pa lang, kakikitaan mo na ng potensiyal kaya hindi ako magtataka kung maging big star siya ng GMA."



Hindi ba sila pressured ni Rhian dahil isang romantic hit movie ito nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at ngayon nga ay ginawang TV series?



"Malaki ang pressure dahil Gabby and Sharon ang nagbida dito and first time din binuo ang loveteam namin ni Rhian dito. Sana kagatin at suportahan ng mga tao. Napakaganda ng story nito at mas ginawang kapana-panabik at mas madrama ng creative team namin para mas lalo itong maging kaabang-abang," pahayag ni Mark.



GLAD FOR JENNYLYN.Hindi ba siya na-disappoint dahil hindi ang ex-girlfriend at ka-loveteam niyang si Jennylyn Mercado ang nakasama niya rito? May lumabas kasing balita dati na sa kanila ni Jennylyn dapat ang proyektong ito at makakasama pa dapat si Patrick Garcia, na current boyfriend ng young actress.



"Siguro po this project is not really meant for Jen," sagot ni Mark. "May iba pa naman siyang trabaho, e. As for me, never naman akong namili ng partner. Happy ako na nag-e-experiment ang GMA sa akin at ipina-partner ako sa iba't ibang leading ladies. I mean, hindi ako nai-stuck sa isang loveteam."



Kamusta naman sila ni Jen ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"We're still good friends," sabi niya. "Okay naman kami. Happy ako dahil masaya siya sa piling ni Patrick. I'm always around and will be very supportive sa kanya, alam niya 'yon. Kaya anytime she needs my help, isang tawag niya lang, nandito ako palagi. Nakakapagbiruan na rin kami ulit."



Masaya rin daw si Mark dahil sunud-sunod ang projects niya sa GMA-7 at hindi siya napapabayaan. Kaya sobrang thankful siya at pinagbubutihan niya ang mga projects na ipinagkakatiwala sa kanya.



"Happy ako lalo ngayon magpa-Pasko dahil marami akong trabaho. Iba rin kasi 'pag busy ka, at least, lagi akong may raket. Katatapos ko lang sa La Vendetta at sisimulan namin ni Jen ang Joaquin Burdado. Kasama namin dito si Robin Padilla. Mag-i-start na akong mag-training dahil marami kaming fight scenes dito. Kailangan kong mag-workout at mag-undergo ng training ng Muay Thai, karate, at gun shooting."


NO TO DRUGS. Samantala, sinagot din ni Mark ang issue tungkol sa nalululong daw siya sa bisyo ngayon.



"Naku, hindi po totoo 'yan!" mariin niyang tugon. "Ang dami ko pong trabaho ngayon. I don't think maaasikaso ko pa ang mga ganyang bagay. Saka alam ko naman ang mangyayari sa akin kapag pinasok ko ang bagay na 'yan, kaya bakit ko hahayaang sirain ang sarili ko, di ba?



"Game boy, PlayStation at Internet games lang naman ang bisyo ko, e. Saka yung sinasabing pasaway ako, hindi rin 'yon totoo. Never akong naging sakit ng ulo sa trabaho, sinisiguro ko 'yan sa inyo."

HAPPY WITH LIAN. Tungkol naman sa kanyang lovelife, hindi nagkait si Mark na i-share ang current relationship niya with EB Babes Lian.



"Going stronger ang relationship namin," sabi ni Mark. "So far, so good. Wala namang problema. Eight months na kami ni Lian at happy ako with her. Napaka-understanding niya. Nakakatulong siya kasi inspirado ako lagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi ba siya binabawalan ng GMA-7 tungkol sa pag-amin niya sa relasyon nila ni Lian?



"Wala naman pong nagbabawal, saka we're old enough na naman, saka private life ko naman ito," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN