Stef Prescott clarifies rumored rift with "StarStruck" batchmate Jewel Mische

"If ever magkita kami by accident sa GMA-7, babatiin konaman siya at kukumustahin. Never naman akong naging aloof sa kanyaeven noong nasa StarStruck pa kami," says Stef Prescott (right) about Jewel Mische (left).



Ngayong araw na, November 9, ang huling araw para makaboto ang mga Pinoy sa Miss Internet World, kung saan representative ng Pilipinas ang StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescott. To vote for Stef, just log on to misstourismworld.com.



Natutuwa si Stef na marami sa mga kaibigan, fans, at mga kamag-anak niya ang masigasig na bumoboto sa kanya. Sana raw ay lahat ng mga Pinoy sa buong mundo ay mag-abala na iboto siya para naman magwagi ulit ang ating bansa.



"Last year kasi si Carlene Aguilar ang nanalong Miss Internet World and I'm praying na sana manalo ulit tayo with me representing the country," pahayag ni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of My Only Love last November 7.



"Alam ko naman ang mga Pinoy, sumusuporta sa mga kababayan nila kahit saan man sila sa mundo. Sana nga maging maganda ang resulta. Wala pa kasi akong alam sa bilang ng mga votes at hindi ko alam kailan nila ia-announce. Pagdasal na lang natin na muling manalo ang Pilipinas."

Kung manalo man si Stef sa Miss Internet World, lilipad siya sa London para doon koronahan at makuha ang kanyang premyo. Isang malaking bagay para kay Stef ito since nagsisimula pa lang siya sa kanyang career sa showbiz.



"It's happening so fast nga for me at natutuwa naman ako," sambit ng young actress. "Nagsimula lahat with StarStruck at kahit hindi ako nanalo, maganda ang mga dumating sa akin. Aside nga sa ako ang napili nila to represent the country sa Miss Internet World, nagkaroon ako ng bagong commercial at dalawa na ang regular shows ko sa GMA-7 [Boys Nxt Door and My Only Love]. Kaya masayang-masaya ako."



Sa My Only Love ay isa siya sa magiging kontrabida sa buhay ng lead female star ditong si Rhian Ramos. First time na magkokontrabida si Stef kaya natuwa siya nang isa siya sa pinuri ni Direk Louie Ignacio dahil sa kanyang pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Actually, kinabahan ako because napaka-evil ko sa My Only Love. Talagang matindi ang character ko at grabe ang gagawin kong pagpapahirap kay Rhian. Pero natutuwa ako because nagustuhan ni Direk Louie ang ipinakita kong pag-arte. It inspires me a lot kaya mas huhusayan ko pa sa mga susunod naming eksena," lahad ni Stef.



FEUD WITH JEWEL?
Samantala, natatawa naman si Stef kung bakit hindi pa rin daw natitigil ang tsismis na hindi sila magkasundo ng kasabayan niya sa StarStruck na si Jewel Mische. May mga nang-iintriga sa kanila na hindi raw sila nagpapansinan tuwing nagkikita sila sa GMA compound.



"Nakakatawa naman kasi matagal na kaming hindi nagkikita ni Jewel, and wala kaming problema," paglilinaw ni Stef. "I guess hanggang ngayon ay ikinukumpara pa rin kami, kasi kami yung pinaglaban ng mga fans sa Ultimate Sweetheart title.



"Pero tapos na 'yon, e, at si Jewel na ang nanalo. Masaya ako sa mga nangyayari sa career ko. Sa totoo lang, masaya rin ako for Jewel, lalo na't she's the leading lady of Richard Gutierrez sa Kamandag. Noon pa naman niya sinasabi na si Richard ang crush niya at natupad ang wish niya na makasama sa isang TV show ang crush niya, di ba?

"If ever magkita kami by accident sa GMA-7, babatiin ko naman siya at kukumustahin. Never naman akong naging aloof sa kanya even noong nasa StarStruck pa kami," sabi ni Stef.



Sinabi rin ni Stef na kahit na hindi sila gano'n ka-close ni Jewel kahit na noong nasa StarStruck pa sila, natutuwa siya kasi lahat silang magkasama sa batch nila ay busy at maganda ang takbo ng career sa GMA-7.



"I'm happy for everybody kasi we're all doing good. Ipinagdarasal ko na maging successful kaming lahat," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN