Carlene Aguilar gets "confrontational" with Cristine Reyes

Actress Cristine Reyes (left) and beauty queen Carlene Aguilar (right) met during the taping of All Star K last Wednesday, November 7. Witnesses say that Carlene introduced herself to Cristine, who is being linked to Dennis Trillo, the father of Carlene's baby.



Binalot ng tensiyon ang studio ng Broadway Centrum last Wednesday, November 7, bago ang second episode taping ng All Star K nina Jaya at Allan K nang magkita't magharap sina Cristine Reyes at Carlene Aguilar na kapwa nauugnay sa matinee idol na si Dennis Trillo. Naging saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa naturang insidente.

Isa si Cristine sa guests na sexy stars sa episode na 'yon, together with Jenny Miller, Gwen Garci, Michelle Madrigal, Maureen Larrazabal, Alicia Mayer, and Paolo Paraiso.

Nang makumpleto na ang guests, agad silang nag-rehearse pagkatapos ng taping ng first episode. Habang nagre-rehearse, namataan ng direktor ng programa na si Rico Gutierrez si Carlene sa malapit sa stage floor. "Confrontational" ang description ni Direk Rico kay Carlene na nakita niya sa monitor.

Agad kaming pumunta sa kinaroroonan ni Carlene, na naka-jeans lang at may cap that time. Tiyempong patapos na ang rehearsal kaya nagpulasan na ang mga guests.

Pagkatapos ay bigla na lang sumugod sa malapit sa stage area si Carlene. Si Cristine naman, dire-diretso lang pabalik ng backstage. Agad tumalikod si Carlene at sinundan si Cristine sa paroroonan.

Pero nasa dressing room nina Jaya at Allan si Cristine dahil kinausap siya ni Direk Rico, samantalang si Carlene ay nakipagkuwentuhan pa kay Jenny. Kaya pala nandoon si Carlene ay para ibigay ang pasalubong niya kay Jenny, pero wala kaming nakitang pasalubong na hawak ng beauty queen.

Nang lumabas sa dressing room si Cristine, umupo ito sa silya na ilang dipa lang ang layo sa kinaroroonan ni Carlene. Pagkakita ng beauty queen sa nakatalikod na Cristine, lumapit ito at nakipagkilala, 'tsaka nakipagkamay. Hindi namin nakita ang reaksiyon ni Cristine dahil nakatalikod siya sa puwesto namin.

Ayon sa mga nakarinig ng pag-uusap ng dalawa, ang sinabi raw ni Carlene kay Cristine ay ito: "I'm Carlene. I know you're Cristine!" Pagkatapos daw ay mahigpit na kinamayan ng beauty queen ang young sexy actress. Wala naman daw lumabas na tugon mula kay Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akala namin ay aalis na si Carlene after that encounter. Pero nang akmang babalikan ng beauty queen si Cristine, doon na pumasok si Direk Rico. Hindi na kasi mapigilan ni Jenny ang beauty queen na balikan si Cristine. Saka lang umalis si Carlene nang pumagitna na si Direk Rico, na ayaw ring magkaroon ng aberya sa taping dahil sa personal na problema ng dalawa.



Matapos ang taping, pinilit ng TV crew na magsalita si Cristine.

"Ayokong magsalita. Darating din ang right time na magsasalita ako sa nangyari. Sa ngayon, huwag muna," sabi ni Cristine na wari'y pinipigil ang pag-iyak.

Aware daw si Cristine sa sitwasyon nina Dennis at Carlene. Alam din niyang darating ang puntong magkikita sila ni Carlene. "Pero hindi ko ini-expect na mangyayari ito ngayon," sabi ni Cristine.

Matatandaang napabalitang nagkaroon ng relasyon sina Cristine at Dennis nang magsama sila sa Super Twins, pero kapwa itinanggi ng dalawa ang naturang balita. Pero sa pagkumpronta ni Carlene kay Cristine, lumalabas tuloy na tila totoong may namagitan nga kina Dennis at Cristine.

Mula naman sa isang mapagkakatiwaalng source na malapit kay Cristine, hiniwalayan na raw ng young actress si Dennis nang umamin ang young actor na anak niya ang batang isinilang ni Carlene. Babalikan lang daw ng nakababatang kapatid ni Ara Mina si Dennis kapag naayos na ang problema niya with the mother of his child. Inayos naman daw ni Dennis ang problema nila ni Carlene kaya naman tinanggap niyang muli si Dennis.

Bagama't hindi nagbigay ng detalye si Cristine sa naganap na kumprontasyon nila ni Carlene, siguradong hindi pa natatapos ang kuwentong ito. Asahang sa mga darating na mga araw ay mabibigyan din ng linaw ang pangyayaring ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN