Maricel Laxa still supports friend Liz Almoro after dismissal of Willie Revillame's case

"As a friend, nandito ako to lend my support to her. I always tellher that God is always there. She will never lose as long as the truthis with her," says Maricel Laxa-Pangilinan about Liz Almoro (inset) after the dismissal of her case against estranged husband Willie Revillame.



Sa launching ng children's book ni Tintin Bersola-Babao last November 7 sa Glorietta Mall Makati ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maricel Laxa-Pangilinan. Napag-alaman namin na magkaklase pala sina Maricel at Tintin noong high school sa Assumption College kaya naman hindi puwedeng mawala si Maricel sa book launch ni Tintin.



Ayon kay Maricel, "I'm so proud of Tintin because noong nasa Assumption pa kami, achiever na talaga siya. She was always concerned sa maraming bagay kaya naman hindi ako nagulat when she started writing these children's books.



"As a parent, it's an inspiring thing to do kaya naman I came out with my own children's book titled Super Benj, which is about what happened to our baby boy Benjamin."



SUPER BENJ.
Sa mga hindi nakakaalam ay dumaan sa isang pagsubok ang pamilya ni Maricel at asawa nitong si Anthony Pangilinan nang ma-diagnose na may congenital heart condition ang kanilang anak na si Benj two years ago.



Dumaan sa isang open-heart surgery noong December 2005 sa Lucile Packard Children's Hospital sa San Francisco, California, si Benj for a condition known as hypoplastic coarctation of the aortic arch.



Ayon sa cincinnatichildrens.org, ang hypoplastic coarctation is "a narrowing of the aorta, the main blood vessel carrying oxygen-rich blood from the left ventricle of the heart to all of the organs of the body."

Matagal ding na-confine sa ospital ang kanilang anak, pero hindi sila nawalan ng pag-asa na gagaling ito. Nang gumaling si Benj, ipinangako nina Maricel at Anthony na magbibigay sila ng tulong sa mga batang nagkaroon din ng sakit na tulad ng kay Benj.



"It was something that we promised God that we will do because our baby boy survived. Hindi nga namin alam na marami palang bata are also suffering from the same sickness. Kaya I was able to write the book Super Benj, a superhero with a heart condition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"The main character, Benj, is inspired by our son's strong will to survive. I hope that many parents will be able to learn from this book and not give up hope sa anumang bagay na dumating sa buhay nila," pahayag ng dating aktres.



Ngayon daw ay sobrang active na ni Benj after ng kanyang life-threatening heart condition. Lagi nga raw isinasama ni Maricel ang anak sa mga book readings niya at sa pagbisita sa mga ospital where patients are confined with the same heart ailment.



"We offer prayers sa mga taong ito, most especially the children. We always tell them na there is still hope and God is always there to help them through everything."



LIZ ALMORO. Tinanong na rin namin si Maricel regarding sa pag-dismiss ng Department of Justice (DOJ) sa kaso na isinampa ng kaibigan niyang si Liz Almoro laban sa estranged husband nitong si Willie Revillame, kung saan si Maricel ang nag-iisang tumestigo para kay Liz. Natural lang na malungkot si Maricel sa naging desisyon ng DOJ.



"Nalaman ko na lang ‘yan noong may mga tumatawag na sa akin. Since I cannot speak for Liz, yung lawyer na lang ni Liz ang dapat kausapin nila. Marami rin nga ang nagulat sa naging desisyon ng DOJ. I know na maraming questions and doubts. I just don't know kung ano ang magiging action ni Liz about the situation," sabi ni Maricel.



Ayon kay Maricel, sa huli niyang pakikipag-usap kay Liz ay okay naman ang kalagayan nito. She is slowly moving on with her life a single parent sa anak nila ni Willie na si Juamee.



"Liz naman is a strong person," ani Maricel. "She might be quiet pero she's a fighter. I know that she will be able to go through this again. As a friend, nandito ako to lend my support to her. I always tell her that God is always there. She will never lose as long as the truth is with her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN