Former "TV Idol" winner Ahron Villena dispels blind-item rumor

Former "TV Idol" winner Ahron Villena reacts strongly to a blind item pointing to him as a "pimp" for other goodlooking male stars: "Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ang mahihita ko? Ano?Mangongomisyon ako? Bugaw? Nakakaraket pa naman ako para gumawa ngganoon. At hinding-hindi ko gagawin 'yon."



Si Ahron Villena ang itinanghal na grand winner sa "TV Idol... You're D Man" search noon ng defunct noontime show ng ABS-CBN, ang Magandang Tanghali Bayan (MTB). Since then, lulubog-lilitaw siya sa eksena at hanggang ngayon, nagtataka pa rin ang marami kung bakit parang walang nangyayari sa career niya.



Sa press conference ng One More Chance ng Star Cinema Productions ay inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang latest kay Ahron, na freelancer na pala kaya nakakalabas na ito sa GMA-7 shows.



"Mina-manage ako ni Frederick Bautista," pahayag ni Ahron. "Hindi na ako nag-renew sa Star Magic. Katatapos lang ng exposure ko sa Boys Nxt Door ng GMA-7."



BLIND ITEM. Kahit hindi gaanong visible ay may mga intriga pa rin kay Ahron. Ang young actor diumano ang sinasabi sa isang blind item na "tagapagpakilala" ng goodlooking showbiz guys na naghahanap ng gay benefactors dahil marami raw koneksiyong mayayamang bading itong si Ahron.



"Ha? Hindi ako 'yon," tahasang denial ng binata. "Sabi nga kasi, galing daw sa isang search. E, sa Boys Nxt Door, hindi lang ako ang galing sa TV search, di ba? Hindi talaga ako 'yon.



"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ang mahihita ko? Ano? Mangongomisyon ako? Bugaw? Nakakaraket pa naman ako para gumawa ng ganoon. At hinding-hindi ko gagawin 'yon.



"May mga kakilala akong bading na mayayaman, pero hindi ibig sabihin na nambubugaw na ako," parang nandidiring sabi ni Ahron sa intriga sa kanya.

MARC CORTES. Isa pang pinag-uusapan ngayon ay ang paglabas sa closet ni Marc Cortes, na co-finalist ni Ahron noon sa "TV Idol." Matagal na ba niyang alam na bading si Marc?



"Hindi ko alam talaga, pero may mga nakikita na ako sa kanya," sabi ni Ahron. "Kasi mukhang lalaking tingnan si Marc, moreno. Pero may times na makikita mong kekendeng-kendeng, tumatalsik ang balakang. Ano ba 'yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kahit ganoon, okay lang 'yon. At least, wala na siyang mabigat na dinadala. Hindi magbabago ang tingin ko sa kanya bilang kaibigan dahil lang doon. Noon kasi, marami akong naririnig tungkol kay Marc. Pero may respeto kasi ako sa kaibigan. Alangan namang tanungin ko, 'Bakla ka ba, pare?'



"Huwag na nating libakin pa yung tao. Suportahan na lang natin siya. Baka sa ganoon na siya masaya," pagtatanggol ni Ahron sa kaibigan.



Pero ano ang masasabi ni Ahron na ipinamamalita raw nitong si Marc kung sinu-sino sa mga "TV Idols" noon ang pinakadako (most well-endowed), yung pinakamaputi ang singit, pinaka-game, etc.?



"Ganoon? Sino-sino raw?" natatawang tanong ni Ahron. "Ipinagkakalat niya? Wala akong maramdamang incident na puwede niya akong makitaan. Naku, baka may sex scandal siya, ha?



"Kung sinasabi niyang ako ang pinaka-daks, pinakamaputi ang singit, well, salamat na lang. Pero iniisip ko kung paano naman niya nasabi 'yon. Ano ang basis niya?



"Loko rin 'yang Marc na 'yan, ah! Pero okay lang. Kumportable naman ako sa kanya. Kahit ganyan ang sinasabi niya, hindi ko siya pandidirihan," lalong natawa si Ahron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN