FIRST READ ON PEP: John Lloyd Cruz apologizes to Maja Salvador for "bad joke"

Young actress Maja Salvador (left) admitted that she suddenly had a period after her kissing scene with John Lloyd Cruz (right) in One More Chance. The young actor, when asked to react, joked "Nililinaw ko lang po ha, hindi po orgasm, period po!" But apparently, not everyone enjoyed the young actor's joke.



Nagkaroon ng biglaang tension sa presscon ng Star Cinema's movie, One More Chance, kagabi, November 8, sa 13th Floor ng ELJ Building nang biglang may magtanong at magpukaw ng atensiyon ng lead actor ng movie na si John Lloyd Cruz. Ayon sa isang lady reporter, hindi kasi naging maganda sa pandinig ang naging pagbibiro niya sa isa sa cast ng movie na si Maja Salvador.



Bago kasi ang presscon proper, sa interview kay Maja ng ilang entertainment press, nagawang isagot ni Maja na dahil sa kabang naramdaman sa first-ever kissing scene niya with John Lloyd ay bigla raw siyang nagkaroon ng monthly period.



John Lloyd was asked about Maja's reaction na dahil sa kissing scene nila ay biglang nagkaroon ng menstruation si Maja. The young actor, in his usual bubbly mood, ay nagbiro at sinabing, "Nililinaw ko lang po ha, hindi po orgasm, period po!"

Ayon sa lady-reporter, offensive raw sa pandinig ang sinabi ni John Lloyd. And that made Maja's talent manager, Chit Ramos, offended, too.



Natahimik ang lahat sa presscon for a while dahil nang tanungin ni John Lloyd ang manager ni Maja na si Manay Chit, hindi ito tumingin or sumagot man lang sa tanong ng young actor. But right that moment ay humingi ng apology si John Lloyd kung naka-offend pala siya dahil sa kanyang pagbibiro, though he assured everyone na wala siyang malisya sa pagsasabi noon. He was just joking, sabi pa niya.



Halatang naapektuhan at kahit paano ay nawala na sa bubbly mood niya si John Lloyd after that. Kahit pa nag-meddle na ang moderator ng presscon na si Manay Ethel Ramos, na kapatid ng manager ni Maja, quoting the title of the movie that John Lloyd should be given "one more chance."



JOHN LLOYD EXPLAINS.
After nga ng presscon proper, nagawang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd at direktang itinanong namin sa kanya kung ano ang nararamdaman niya after that incident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, sabi nila huwag na lang daw pag-usapan ang nangyari," sabi ni John Lloyd. "But okay lang naman sa akin kung pag-usapan o hindi, kasi hindi mo naman talaga... Kumbaga, 'yon ang humor ko, e. Parang sa komedyante, hindi lahat ng tao natatawa kay Vhong Navarro. Kumbaga, kanya-kanyang humor ‘yon. Hindi mo naman talaga maiwasan kung meron iba na hindi makuha ‘yung humor."

Pahabol pa niya, "Nag-sorry ako and I meant it. I meant my 'sorry.'"

Pero tulad nga ng sinabi ni John Lloyd, it was really meant as a joke and nothing more.



"We could tell kasi halos everyone in the room ay tumawa. Siguro baka kung sinabi ko pa na 'hindi po siya period, orgasm siya...' Pero hindi ko sasabihin ‘yon dahil mali na ‘yon.



"Pero yung apology ko, it was really sincere. Tama rin naman siya [referring to the lady reporter] na hindi naman lahat ng joke ko, makakaintindi. Nag-sorry ako. Yun ang initial reaction ko. Pero kung iisipin ko, may nagsabi sa akin na hindi ako dapat nag-sorry, kasi wala lang naman ‘yon. Pero yung may na-offend, then, I am sorry," lahad ng binata.



MAJA'S REACTION.
Samantala, nakausap rin ng PEP si Maja bago ito umalis sa presscon. Tinanong namin siya kung ano ang masasabi niya at naging reaksiyon sa nangyari during the presscon proper.



Ayon sa kanya, "Sa totoo lang po, wala po sa akin ‘yon kasi sobrang kilala ko naman po si John Lloyd. Isang reason nga po ‘yon kung bakit okay lang sa akin at pumayag po ako na si John Lloyd ang maging first screen kiss ko. Hindi po ako na-offend kung nagbiro man siya ng ganoon dahil kilala ko nga po siya."



Sa huli, mismong si Maja na rin ang nagsabi at nakiusap na sana nga raw ay huwag nang palakihin pa ang naturang pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN