Diether Ocampo denies replacing Kristine Hermosa with Bubbles Paraiso

Actor Diether Ocampo is being linked to his leading lady in Princess Sarah, model Bubbles Paraiso (inset, top). But Diether denies this as the status of his relationship with Kristine Hermosa (inset, below) remains a mystery.



Kung ang pagbabasehan ay ang isyung nililigawan na ngayon ng aktor na si Diether Ocampo ang bagong kapareha at co-star niya sa Princess Sarah na si Bubbles Paraiso, puwedeng-puwedeng sabihin na hindi lang pala si Kristine Hermosa ang may bagong karelasyon kundi maging si Diether din. Nauugnay naman kasi ngayon si Kristine sa young actor na si Oyo Sotto.



Pero natatawang itinanggi ni Diether sa press conference ng Princess Sarah kagabi, November 8, ang balitang nililigawan niya ang baguhang artista na si Bubbles.



"No, we're just friends," at saka natawa sa sarili niyang sagot. "I know, safe answer. Pero it's true, magkatrabaho kami ngayon and we see each other kapag may mga events. Pero si Bubbles, okay siya, magaan katrabaho.



Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether kung posibleng si Bubbles ang makapagpatibok muli ng puso niya after Kristine.



Nangingiti itong sumagot, "Parang napakaaga pa naman po para sagutin ko ‘yon. Pero siyempre, ayokong magsalita ng tapos. Sa ngayon po kasi, hindi muna yung mga ganoong bagay ang iniisip ko."



Dagdag pa niya, "With Bubbles naman, hindi pa rin kasi kami lubusang nagkakakilala e. Siyempre, sa mga panahon na nagkasama kami, wala akong maipipintas sa kanya."



MOVING ON. Masasabi ba ni Diet na sa sitwasyon nila ngayon ni Kristine ay halos sabay lang din silang nagmu-move-on since balita ngang may Oyo naman ang dating karelasyon?



"Sa ngayon naman kasi, medyo naguguluhan siguro yung tao," sabi ni Diether. "Pero okay naman kami. Anumang mga naglalabasan, ayoko nang magbigay ng komento ro'n dahil siyempre, pumapangit lang ang nagiging resulta ng mga naglalabasang isyu.



"Pero in fairness to Kristine," patuloy niya, "mas kilala ko kasi siya. Nasasaktan lang ako kapag may mga ibang tao na nagsasabi na taliwas naman talaga doon sa mga nangyayari."



Kumusta naman na sila ng mother ni Kristine ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa pagkakaalam ko, okay naman kami," matipid niyang sagot.



Lumabas kasi sa isang tabloid ang statement ng ina ni Kristine na happy ito ngayon kay Oyo. Ano ang masasabi ni Diether dito?



"Well, kung anuman ang naging opinion niya or komento, palagi kong nirerespeto ‘yon at hindi ako nawawalan ng paggalang. Lalo na siyempre, sa mga mahal sa buhay na malapit kay Kristine," sagot ng aktor.



Ang siste, si Oyo raw kasi ay nakikitang dumadalaw sa bahay nina Kristine gayong si Diether ay hindi at kung saan-saan lugar lang nakikipagkita sa aktres.



"Hindi, siyempre iba-iba ang sitwasyon namin, e. Pero ako, nagbibigay-pugay ako dahil gaya ng mga personal naming pinagdadaanan, hindi na namin ise-share ‘yon sa publiko dahil pribadong parte na ng buhay ko ‘yon. Pero kung ano yung magaganda, yun na lang ang ikinukuwento ko," paliwanag ni Diether.



THE FUTURE. Sa mga nangyayari ba, puwedeng sabihin na imposible nang magkabalikan pa sila ni Kristine?



"Sa ngayon kasi, mahirap magsalita ng tapos," sabi ng aktor. "Hindi ko alam kung ano ang puwedeng mangyari sa hinaharap. Pero sa ganitong punto ng mga pangyayari, masasabi ko lang na masaya naman kami pareho sa kung anumang mga indibiduwal na ginagawa namin. As long as hindi kami nakakasakit ng mga tao, lalo na isa't isa, mas importante sa amin ‘yon at mas importante na nagkakaintindihan kami."

Ano naman ang masasabi ni Diether sa pahayag ni Kristine na siya pa rin ang mahal ng dating karelasyon?



"Siguro, kung talagang sinabi niya ‘yon... Kasi, mas kilala ko nga siya, higit sa publiko na nakakakilala sa kanya. Kasi may kanya-kanyang opinion ang mga tao, pero sana, maintindihan din nila na si Kristine, hindi naman ganoong klase ng babae. Mas gusto kong ilagay sa posisyon ang sarili ko na hindi rin naman ako makakaapekto doon sa ibang tao na involved sa kanya," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa huli, tinanong ng PEP si Diether kung pareho pa rin ba ang goal niya tulad dati na muling suyuin at ipaglaban ang relasyon nila ni Kristine. Now na nali-link nga si Bubbles sa kanya, may mga nabago na ba sa planong ‘yon?



"Naging vocal ako dati, aminado ako before. Siyempre, ‘yon ang priority ko that time. Pero dahil nga meron kaming mutual understanding ni Kristine at pareho kaming nagkakaintindihan na sa ganitong panahon... Pero magbigay muna tayo ng espasyo para sa isa't isa.

"Hindi ko rin naman isinasantabi kung ano ang puwedeng mangyari sa akin or kakahinatnan ng mga una naming pahayag. Pero may mga nai-involve nga.

"Si Bubbles naman, bago kasi naming katrabaho at first time kaming makitang dalawa sa mga presscon na ganito, so hindi maiiwasang mapag-usapan. Pero maganda rin siyempre na dapat alalayan natin siya dahil hindi siya sanay sa mga ganitong klase ng intriga.



"Basta ako, ang importante naman sa akin yung taong makakasundo ko talaga, makakasama at makakaagapay sa lahat ng aspeto na meron ako," pagtatapos ni Diether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN