Bubbles Paraiso dismisses romantic involvement with Diether Ocampo

"Siyempre po, kailangan ko pa rin naman po siyang makilala nang lubusan kung papasa po ba siya sa standard ko," says Bubbles Paraiso about the possibility of being courted by Diether Ocampo (inset).



Bagama't ngayon lang talaga pinasok nang tuluyan ang showbiz, marami na rin ang nakakakilala sa pangalang Bubbles Paraiso. Aside from being a model, kapatid ni Bubbles ang sexy actor na si Paolo Paraiso. Minsan na ring naugnay ang pangalan ng dalaga kay Paolo Contis nang maging girlfriend siya ng young actor.

First venture into showbiz ni Bubbles ang pinakabagong handog na primetime series ng ABS-CBN, ang Princess Sarah, kung saan gumaganap siya bilang Kalela.

Pero bago man sa acting at first time pa lang nilang magkasama ni Diether Ocampo, may isyu na agad na nabuo sa pagitan ng dalawa. Balitang siya na raw ang bagong apple of the eye ni Diether.

Mariin itong pinabulaanan ni Bubbles.



"Hindi po, matagal na po kaming magkakilala ni Diether. Kaya po sa mga scenes namin together, mas kumportable na po kaming dalawa, we're okay na. Wala po talaga," pahayag ng model turned actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Princess Sarah yesterday, November 8, sa ABS-CBN compound.



Pero bakit kaya naiintriga silang dalawa?



"Siguro kaya lang po kami naiintriga dahil kaming dalawa ni Diet ang pine-pair or may love triangle kami. Siguro kaya rin po nai-isyu, kasi may kissing scene kaming dalawa na kinuhanan. Second day of taping pa lang, biglang may kissing scene na sunud-sunod, kaya po siguro nagkaroon ng isyu," paliwanag ni Bubbles.



Kung sakali ba, okay lang sa kanya na ligawan ni Diether?



"Well, siguro naman po, kasi pareho naman po kaming single. Pero siyempre po, kailangan ko pa rin naman po siyang makilala nang lubusan kung papasa po ba siya sa standard ko," biro ni Bubbles.

Ano ba ang standard niya sa lalake, masyado bang mataas?



"Well, kailangan lang po kung papasa ba siya sa friends ko, sa kuya ko, sa mommy ko, sa daddy ko. Marami siyang pagdadaanan," natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Bubbles, wala raw kaso sa kanya kung nagkaroon man ng whirlwind marriage si Diether kay Kristine. Hindi raw kasi siya ang tipo ng taong nagdu-dwell pa rin sa nakaraan ng isang tao.



"Past is past. Dapat po hindi na natin tinitingnan ang past ng kahit na sino," sabi niya.



SHOWBIZ NEWCOMER. First time sumabak ni Bubbles sa pag-arte, pero obvious na handa na siya sa mga eksenang may kissing scene. So, puwedeng sabihin na sa pag-aartista niya, she will not be like other newcomers na limitado lang ang kayang gawin at ipakita?

"Hindi naman masyadong daring, pero I don't think na ang magiging image ko is super pa-tweetums. I guess ang magiging image ko is mature, but not naman super pa-sexy," aniya.

Bakit bigla na rin siyang pumasok sa showbiz?



"I've been modeling na rin for six years already. Parang it's a new step for me. It's a new venture na bagong challenge naman. Kasi nga, parang pare-pareho na lang. Kapag pictorial, pose lang nang pose. Kapag commercial, kapag ramp, maglalakad. So ito [acting], bagong step lang din sa akin. Parang I want to try it out first and so far, I'm enjoying naman," lahad ni Bubbles.



PAOLO CONTIS. Naging open din ang short-lived affair nila ni Paolo Contis noon. Kumusta naman silang dalawa ngayon?



"Well siyempre, lahat naman ng nagbi-break, magkaaway at first. I cannot say we're friends, but we are civil with each other. When we see each other, we say 'hi'. Nagkakamustahan kami. But nothing more than that na," sagot ni Bubbles.

If ever, wala raw problema sa kanya kung dumating man ang time na magkasama sila sa isang project, though she's a Kapamilya at Kapuso naman si Paolo.

"Yeah, okay lang sa akin," sambit ng dalaga. "Like one time nga, nagkasabay kami sa isang flight. Nagkataon na magkatabi pa ang seats namin. Nagpapansinan naman kami. Wala nang bitterness kasi, I think, matured naman na rin kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong si Bubbles kung si Kristine naman daw kaya ang makita at makasalubong niya, ano naman kaya ang magiging eksena?



Natatawa muna siya bago sumagot. "No, hindi pa po kami nagkikita. Pero wala naman po siyang dapat pagselosan, so okay lang. I met her na rin naman po before. Kung magkita man po kami, magha-'hi' na lang po ako," sabi ni Bubbles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN