Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

Apr 20, 2016
<p>Inalmahan at kinastigo ng maraming netizens ang viral na larawan ng Queen of All Media na si Kris Aquino na gamit diumano ang presidential chopper sa kanyang pangangampanya para sa Liberal Party nitong nakaraang Martes, April 19, sa Argao, Cebu. Naka-u

Umaani ngayon ng batikos ang Queen of All Media na si Kris Aquino mula sa netizens matapos maging viral sa Facebook ang mga larawan nito katabi ng presidential choppers.

Ang mga chopper daw na ito ang ginamit pagpunta sa Dalaguete, Cebu, para sa campaign rally ng Liberal Party (LP) sa bayan ng Argao, Cebu, kahapon, April 19.

Ayon sa nag-share ng mga larawan, na may handle name na “Peshmerga Abs,” kuha raw ang mga larawang ito sa Casay Airstrip.

Caption ni Peshmerga Abs sa post: “Mga Kapal ang Mukha... Ito ang pic kahapon ng dumating cla cris aquino sa dalaguete.....mapamura kayo sa galit hanip government property ginagamit sa pangampanya..............”

(Burado na ang post na ito ngayong bandang 7:20 ng gabi)

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

(All photos are from Municipality of Dalaguete Facebook page)

WORSE THAN DUTERTE’S REMARK. Kaugnay nito, kinondena ni Kabataan partylist Representative Terry Ridon ang paggamit diumano ni Kris ng presidential choppers para sa pangangampanya sa standard-bearer ng LP na si Mar Roxas at ng ka-tandem nitong si Leni Robredo.

Pahayag niya sa ulat ng InterAksyon.com, “The use of public resources for the presidential campaign of Mar Roxas, including the use of AFP choppers by presidential sister Kris Aquino to campaign for Mar, is far worse than the crass remark of another presidential candidate.”

Ang tinutukoy ni Ridon ay ang rape joke ni PDP-Laban standard-bearer Mayor Rodrigo Duterte, na nababatikos din nang husto hanggang ngayon.

Ang larawan daw ng limang choppers na nag-escort kay Kris ay malinaw na batayan ng paggamit ng pondo ng gobyerno para sa kampanya ni Roxas.

Continue reading below ↓

(Photos from Municipality of Dalaguete Facebook page)

Pahayag ni Ridon, “The public should be warned that while we do not like insensitive leaders, the leadership represented by Mar Roxas is incompatible with the most basic aspirations of our people.”

MALICIOUS? Sa ulat naman ng philstar.com, sinabi ng spokesman ng Koalisyon ng Daang Matuwid na si Congressman Ibarra Gutierrez na malisyoso ang akusasyong ginamit ni Kris ang presidential chopper.

Continue reading below ↓

Saad niya, “It seemed that it was the President being escorted and that she was simply accompanying him.

“The President is obviously always going to travel in a military or government chopper.

“If she was accompanying the President, then the chopper was not there for her, but for PNoy.”

Continue reading below ↓

(Photo from Municipality of Dalaguete Facebook page)

Ngayong araw, April 20, naka-post sa Facebook page ng Municipality of Dalaguete ang mga larawang kuha sa pagdating ni Kris sa naturang bayan kahapon.

Umani rin ang naturang posts ng kabi-kabilang batikos mula sa netizens.

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Inalmahan at kinastigo ng maraming netizens ang viral na larawan ng Queen of All Media na si Kris Aquino na gamit diumano ang presidential chopper sa kanyang pangangampanya para sa Liberal Party nitong nakaraang Martes, April 19, sa Argao, Cebu. Naka-u
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results