Gretchen Barretto's new surprises

“Alam mo, hinditahimik ang buhay ko. Hindi puwedeng maging tahimik ang isang Gretchen Barretto.Hindi na ako nagugulat sa mga intriga,” declares the ever-controversial Gretchen Barretto.


Nakatakdang lumipadpatungong Boston, Massachusetts si Gretchen Barretto at ang kanyang lifepartner na si Tonyboy Cojuangco bago matapos ang buwang kasalukuyan. Itutuloy daw kasi ni Tony Boy ang kanyangtreatment doon.

Ayon kay La Greta,may isa pang naghihintay na surprise sa kanilang pagdating doon.

“We’re going toBoston kasama namin si Joyce [Jimenez]. We’re leaving on November 29 and alamn’yo, ito yung surprise, sinabi sa amin ng doctor ni Tony sa Boston... Kasi siyayung doctor ni Julie Andrews and so the doctor is giving Julie Andrews acocktail. So we will be there, na-invite kami ni Tony, so I’m gonna meet JulieAndrews. Yes! December 1, pine-prepare ko na yung outfit ko. Imagine, meetingJulie Andrews!” pagmamalaki ni Gretchen.

Si Julie Andrews ayisang Oscar award-winning Hollywood actress na lumabas sa mga pelikulang Mary Poppins,Sound of Music, Princess Diaries, at marami pang iba.

Sa launching ngisang beauty product na ini-endorse ni Gretchen naikuwento ni Gretchen sa GMANews at PEP (Philippine Entertainment Portal) na halos hindi na silanaghihiwalay ni Tonyboy.

Nakita ang dalawa saconcert ni Beyonce Knowles noong Miyerkules ng gabi, November 7. Magkasama nanaman sila kinabukasan, November 8, nang i-launch si La Greta bilang “ambassador of beauty”ng isang beauty product.

“Tony is always withme, kaya lang, para siyang multo. Hindi nagpapakita. Ayaw niyang malaman ng taona nandiyan siya dahil nahihiya siya. Parang hindi siya kumportable. Ganyansiya, parang multo. Tawag ko nga sa kanya, my ghost. He’s my avid fan, so you know, nandiyan siya parati,” lahad niGretchen.

A new surprise. Hindi man daw pumapayag si Tonyboy namag-artistang muli si Gretchen, siguradong itutuloy pa rin niya angpagsu-showbiz.

Imbes na pelikula,isang special CD ang kanyang ire-record bago siya umalis patungong Boston.

“I will be recordinga CD with 12 of my most favorite songs and I will be giving it away kasinakakahiya naman kung ibenta ko at walang bumili,” patawang sinabi niGretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako ang kakanta ng mgafavorite love songs ko through the years. Makikita n’yo yung buhay ni GretchenBarretto sa bawat kanta.”

Unexpected ang titleng album ni Gretchen at ang isa pang malaking sorpresa ay ang partisipasyon niTonyboy sa nasabing CD.

“Tony is joining mein one song ‘The Last Time I Felt Like This.’ Nung una, pinipilit niya namaggi-gitara daw siya for one of my songs. So, sabi ko, 'Huwag na lang, masmagaling kang kumanta,'” pahayag ng aktres.

TonyBoy’s support.Sa hitsura nina Gretchen at Tonyboy nang gabing ‘yon, tila hindi silanaaapektuhan o naapektuhan sa mga intrigang nagdaan sa kanila.

Ayon kay Gretchen,tila nasasanay na raw kasi siya sa mga kontrobersiya.

“Alam mo, hinditahimik ang buhay ko. Hindi puwedeng maging tahimik ang isang Gretchen Barretto.Hindi na ako nagugulat sa mga intriga,” sabi niya.

Malaking bagay rinkasi ang suporta na ipinapakita ni Tonyboy kay Gretchen sa gitna ng kahit anongintriga.

Mensahe ni Tonyboykay Gretchen, “The movie industry is full of intrigues. So it’s part of it. Soas long as they’re talking about you, it’s like politics, they’re all talkingabout you. Whether it’s good or bad news, your awareness level is up, then it’sgood for you.”

CHRISTMAS PLAN. Tila may plano naraw si Gretchen kung paano nila ise-celebrate ang kanilang Pasko ngayong taon.Hindi lang daw pamilya ang kanilang kasama sa espesyal na araw na ito.

“Christmas, I spendit with people who really are close and dear to me. Naging tradisyon na naminthat we do it in our Forbes house even if I live in Dasma now. We have veryclose friends and friends who have no husband or husbands who have no wife,kasi naghiwalay, in-adopt namin. Christmas is supposed to be solemn, di ba, somay mass kami parati and a lot of eating,” kuwento ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN