Irish Fullerton debunks "live in" issue with Jay-R Siaboc

Before she flew to the U.S. last August, the rumor about Pinoy Dream Academy alumna Irish Fullerton was that she and batchmate Jay-R Siaboc got married. These days, she's facing the "live in" issue.


Maugong pa rin ang tsismis tungkol sa relasyon ng Pinoy Dream Academy alumni na sina Irish Fullerton at Jay-R Siaboc sa kabila ng patuloy pa rin nilang pagtanggi.

"Very close lang talaga kami ni Jay-R," ang sabi ni Irish sa presscon ng bagong pantaserye ng ABS-CBN na Princess Sarah noong ika-8 ng Nobyembre. "Very loving ako sa mga friends ko."

Hindi kaya dahil sa pagiging very loving niya kaya sila natsitsismis ngayon na live-in sila ni Jay-R?

"That's not true," diin niya.

Hindi ba siya naguguluhan sa balitang nagli-live-in na sila ni Jay-R?

"Ewan ko nga, e. Hindi kaya iba yun? Kasi kadarating ko lang ng Manila, and I've been very busy sa taping ng Princess Sarah lately. At si Jay-R, ang dami rin niyang projects. There's no way. Talagang there's no way," depensa pa ng singer-actress.

Meron bang pagkakataon na lumabas siya ng gabi o 'di kaya'y inumaga sa bahay ni Jay-R?

"Wala. Walang-wala!" Sobrang natatawang sagot ni Irish. "Ako may bahay, gabi ako umuuwi. Umaalis ako ng umaga sa bahay."

So, magkaiba ang inuuwian nilang bahay ni Jay-R?

"Of course. Kasi dati, I have my own unit. And then, nung nawalan ako ng trabaho for four months umalis ako, and now, I live in my cousin's house. Ngayon, siya naman, he has his own place. I think you should check it out."

Naapektuhan ba siya ng isyung ito tungkol sa kanila ni Jay-R?

"Medyo, kasi ayoko rin isipin ng mga tao na ganun lang... Parang they will treat me differently. Iba talaga, that's not me. Mukha lang ako mataray pero mabait ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung una, parang ano ba 'yan? Kasi may isyu na rin sa akin before at grabe ang naging effect sa akin. Ayokong lumabas ng bahay. But now, I know how to prepare my heart. Basta alam ko ang katotohanan, I don't have to worry about anything."

So, ano talaga sila ni Jay-R?

"He's one of my friends and I consider him as one whose shoulder I can cry on. Ako naman, he knows I love my friends. And I will be there kapag kailangan din nila ng tulong ko," ang klaro niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN