Singer Ronnie Liang says he and beauty queen Krystel Ann Dizon are just friends

"Kahit papaano, siyempre, natutuwa ako na may naging kaibigan akongbeauty queen na mabait, matalino, matangkad. Maganda siya sa personalat maganda sa picture, maganda din ang katawan, maganda ang ugali atmatalino," says Ronnie Liang about 2007 Miss Philippines-Air Krystel Ann Dizon.



May ilalabas na Christmas album ang Universal Records na malamang pagsimulan ng intriga. Sa nasabing album kasi ay maraming featured artists, pero ang carrier single ay ang revival ng "Miss Kita Kung Christmas" ng Pinoy Dream Academy runner-up na si Ronnie Liang.

Hindi kaya magtampo or ma-insecure kay Ronnie ang ibang artists sa album, gaya ng Spongecola, Callalily, Imago, at si Sam Concepcion?

Sabi ni Ronnie, "Hindi naman po magseselos kasi, unang-una... Kasi sila din, parang yung album nila, ilang... What I mean is ilang platinum na, multi-platinum na sila. Number one na sila sa MYX, malakas sila sa airplay, aside from sa Christmas songs nila.

"Nakakatuwa lang po na sa akin, na yung kanta ko po yung napili ng Universal para maging carrier single. Nakakatuwa na meron silang tiwala sa akin na ganun.

"Kung may magtampo man... Kasi actually, marami kami, di ba? Siyempre, this Christmas lang naman tutugtugin itong akin. Hindi natin alam, next Christmas, sa iba namang artist. Parang halinhinan, ganun. Pana-panahon din, darating din ang time para sa kanya. Nakakatuwa lang na ginawa nilang first single yung sa akin," pahayag niya.

BEAUTY & THE SINGER. Samantala, kinumusta rin namin ang lovelife ni Ronnie.

"Sa ngayon, siyempre medyo focus muna sa career kasi kailangan," sabi ng binata. "Medyo nagdo-double time kami, kasi kahit papaano wino-work out namin yung album.

"Kaya hanggang 'hi' and 'hello' lang muna ako or dinner sa ilang mga kakilala natin na mga special friends, ganun. Pero yung mga commitment, hindi muna puwede, lalo na ngayong nasa Star Magic na rin kami [Pinoy Dream Acedemy scholars] at talagang binubugbog or double time or triple time sa mga shows."

Na-meet na rin ni Ronnie ang 2007 Miss Philippines-Air na si Krystel Dizon at nakapag-date na sila noong nasa Amerika ang male singer for a series of concerts last July.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano lang, dinner lang naman po," paglilinaw ni Ronnie na namumula. "May mga kasama siya, hindi lang kaming dalawa. Kahit papaano, may bodyguard siya. May nagbabantay po."

Paano ba sila nag-meet?

"May common friend po na nagpakilala sa amin. Then email-email po kami. Ibinigay ko po muna yung email address ko, then nag-send siya ng picture then nag-send din po ako ng picture.

"Kilala na rin po niya ako, napapanood niya ako sa TFC sa PDA. ‘Tapos in-invite ko po siya sa concert namin. Sinalubong po niya ako sa Amerika, in-acknowledge ko rin siya nung show namin. Pumunta rin siya sa office ng ABS-CBN sa California," kuwento ni Ronnie.

Ang unang reaksiyon niya nang makita niya si Kristel?

"Kahit papaano, siyempre, natutuwa ako na may naging kaibigan akong beauty queen na mabait, matalino, matangkad. Maganda siya sa personal at maganda sa picture, maganda din ang katawan, maganda ang ugali at matalino," sunud-sunod na sabi ng male singer.

Nilinaw ni Ronnie na kahit madalas silang nagkakasama ngayong nasa Pilipinas si Krystel ay magkaibigan pa lang daw sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN