Mike Tan smitten by Jodi Sta. Maria's beauty

"Wala lang, nagagandahan lang ako sa kanya. Hindi naman siguro itomasama. Hindi ko naman sinabing liligawan ko siya, alam kong may-asawana siya," explains Mike Tan about his admiration for Jodi Sta. Maria.



Tatlong araw lang ang pagitan nang makita namin ng magkasunod sina Mike Tan at Jodi Sta. Maria.

Si Mike ay nakita namin sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato, Quezon City. Kakauwi pa lang niya mula sa Batanes for the production shoot of his movie with Iza Calzado and F4 member Ken Zhu na Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan for Ignite Films.

Lumapit agad sa amin si Mike para magsabing may bago siyang crush, si Jodi, na nakasama niya sa taping ng episode ng isang bagong show sa QTV 11, ang Wagi, na tungkol sa OFWs.

"Ang ganda niya, na-appreciate ko siyang sobra!" kuwento sa amin ni Mike.

Alam naman ni Mike na may asawa't anak na si Jodi at alam din naming may girlfriend si Mike na non-showbiz for more than a year now.

"Wala lang, nagagandahan lang ako sa kanya. Hindi naman siguro ito masama. Hindi ko naman sinabing liligawan ko siya, alam kong may-asawa na siya," sabi ni Mike.

Sinabihan namin si Mike na baka magselos ang kanyang non-showbiz girlfriend.

"Wala ngang selos sa katawan ‘yon. Basta sabihin mo lang beforehand," sagot naman ng binata.

Dati na raw napapanood ni Mike si Jodi sa Tabing Ilog ng ABS-CBN. Ngayon lang sila nagkasama dahil taga-GMA-7 siya at taga-ABS-CBN naman si Jodi.

Isinulat namin ito sa mga columns namin at tiyempong nang lumabas ito, araw ng presscon nina Jodi at Agot Isidro for their forthcoming film na Nars, co-starring with Jennylyn Mercado, Jon Avila, and Coco Martin. Pinabasa muna namin ang mga kolum namin kay Jodi at naghintay kami ng facial reaction niya.

Halatang flattered si Jodi habang binabasa ang artikulo at maganda ang ngiti niya.

"Talaga? Nakaka-flatter naman," ang unang reaksiyon ng aktres.

"Kaya pala tahimik siya noong nagti-taping kami, tumitingin-tingin lang sa akin. He's a nice guy, and it's a good thing nagkakatrabaho kami kahit thru QTV lang dahil alam mo naman, sa magkaibang station kami nakakontrata. It's nice na may nakaka-appreciate pa pala sa akin," hindi makapaniwalang pahayag ni Jodi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN