FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez and Marian Rivera to star in a Valentine movie

GMA-7's top stars today, Richard Gutierrez and Marian Rivera, will be paired for the first time in the movie A Very Special Love, the Valentine offering of GMA Films and Regal Entertainment.



For the past three years mula nang bumalik ang GMA Films in production, isang Richard Gutierrez-Angel Locsin parati ang pang-Valentine movie ng film arm ng Kapuso Network in cooperation with Regal Entertainment.

It started with 2005's Let The Love Begin introducing another loveteam, sina Jennylyn Mercado and Mark Herras, and it broke box-office records. Noong 2006, isang out of the country movie naman ang pinagsamahan nina Richard and Angel for their second Valentine movie, ang I Will Always Love You. Light romance ang naunang dalawang Valentine movies nina Richard at Angel.

But for this year, sumubok ang loveteam nila sa isang serious and gothic type na pelikula, ang The Promise, na updated version ng Hihintayin Kita sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Pero middle of this year ay lumipat si Angel sa ABS-CBN kung kaya't parang naging malabong magkaroon ng Valentine movie ang GMA Films and Regal for next year, unless may makuhang bagong partner si Richard.

Enter Marian Rivera.

Launched in Marimar, Marian's stock rose phenomenally the same way her primetime show did. Dahil dito kung kaya't susubukan for the first time na pagsamahin sina Richard and Marian for the 2008 Valentine movie ng GMA Films and Regal Entertainment.

With the tentative title A Very Special Love, the script will be written by Suzette Doctolero and directed by Mark Reyes. Sa Thursday, November 15, magsisimula ang shooting ng pelikula, na magtatampok din sa dalawa pang alaga ni Annabelle Rama na sina JC de Vera at Ehra Madrigal.

Ang original title ng movie ay My Best Friend's Girlfriend dahil kuwento ito ng magkaibigan (Richard and JC), pero mai-in love si Richard sa girlfriend ni JC na si Marian.

Sa presscon ng Kamandag kagabi, November 12, sa Studio 3 ng GMA Network, ayaw pang magsalita ni Richard about the movie dahil nasa presscon daw siya ng bago niyang fantaserye. Pero may isang statement siyang pinakawalan patungkol sa unang pagsasama nila ni Marian: "I'm very excited."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagsasama nina Richard at Marian sa pelikula bilang Valentine offering ng GMA Films at Regal Entertainment, mukhang hindi muna matutuloy ang napabalitang pelikula na gagawin ni Richard with superstar Judy Ann Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN