Eula Valdes has the blessing of ABS-CBN in moving to GMA-7

"Lagi namang open sa akin ang GMA network. Tuwing may matatapos akongteleserye sa ABS-CBN, tinatanong nila ako kung puwede na akong gumawasa kanila," says Eula Valdes, who stars in her first GMA-7 fantaserye Kamandag.



Certified Kapuso na ang aktres na si Eula Valdes pagkatapos niyang pumirma ng one-year exclusive contract sa GMA-7. Kasama siya sa bagong fantaserye ng Kapuso network, ang Kamandag, na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Pagkatapos ng bonggang presscon ng Kamandag kagabi, November 12, inamin ni Eula sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagpaalam naman siya nang maayos sa ABS-CBN bago siya nagdesisyong lumipat sa GMA-7.

"Never naman akong nagpa-exlusive contract sa ABS-CBN," paglilinaw ni Eula. "Ang last teleserye ko pang ginawa sa kanila ay ang Maria Flordeluna. Kahit may isa pa akong teleserye na ginagawa sa kanila, nagpaalam ako at pumayag naman sila.

"Yun kasing teleserye, paminsan-minsan lang kami nagte-taping at hindi ko rin alam kung kailan ‘yon ipapalabas. Naintindihan naman nila ako nang sabihin kong as an artist, gusto ko namang magtrabaho sa iba since wala pa naman akong ibang project sa kanila."

Dagdag ni Eula, "Lagi namang open sa akin ang GMA Network. Tuwing may matatapos akong teleserye sa ABS-CBN, tinatanong nila ako kung puwede na akong gumawa sa kanila. Kaya lang, madalas kapag tumawag sila, may sinisimulan na ako kaya hindi ko na matanggap ang offer nila. Tamang-tama nang tawagan nila ako last August, nag-decide na akong tanggapin ang offer nila.

"Sa contract ko naman sa GMA, stipulated doon na tatapusin ko pa rin ang commitment ko sa ABS-CBN. May assurance din ako sa contract ko dito ng iba ko pang project na gagawin sa kanila."

NEW KAPUSO STAR. Kumusta naman ang pagtatrabaho niya ngayon sa GMA-7?

"Medyo kinabahan ako noong mag-taping ako ng Kapuso Christmas Station ID sa Broadway Studio. First time kong pumunta doon at nagtanong pa ako kung paano pumunta doon. Nawala ang kaba ko nang makita kong very accommodating sila. Pero lagi naman akong happy sa pagtatrabaho ko kahit saan, dahil mabait naman sila sa akin. Pero siyempre, iba ang feeling ko ngayon dahil nakita ko na welcome na welcome ako dito," lahad ni Eula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Eula nang tanungin kung gaano kataas ang talent fee niya sa GMA-7. "Konti," nakangiti niyang sagot.

May expectations ba siya sa pagtatrabaho niya ngayon sa Kapuso Netwwork?

"Ayokong mag-expect dahil ayokong ma-disappoint, basta magtatrabaho na lang ako," sabi ni Eula. "Tama na yung nakikita ko ngayon na very warm ang pag-welcome nila sa akin, kahit ang mga artistang kasama ko rito. Yung iba naman, nakatrabaho na ko na rin at excited akong makatrabaho ang mga bagong makakasama ko, like si Richard na gaganap bilang anak ko. And I'm very thankful sa GMA Network management sa maganda nilang pagtanggap sa akin."

Pinabulaanan din ni Eula ang napabalita na ang kaibigan niyang si Jean Garcia ang nag-convince sa kanyang lumipat sa GMA-7.

"Hindi kami nagkakausap ni Jean noon kaya alam kong nagulat din siya na malamang nandito na rin ako sa GMA," paglilinaw ni Jean.

"Marami na ngang nagtatanong sa akin kung kailan daw kami magkakasama ulit ni Jean. Siguro darating din ‘yon, hindi naman puwede agad dahil mayroon na siyang sinimulang soap [La Vendetta] at ako naman ay dito nga sa Kamandag. I'd love to work with Jean again."

Sa ngayon, nasa Australia ang husband niyang si Richard Litonjua, isang electrical engineer. Last August ay nagpunta sa Australia si Eula at ang anak nila ni Richard na si Juliana at ang panganay ng aktres na si Miguel. Nag-enjoy raw sila nang husto doon.

Pero hindi pa raw sigurado si Eula kung makakapagbakasyon muli silang mag-iina sa Australia this Christmas, o baka naman daw payagan si Richard ng kanyang opisina na makauwi sa Pilipinas .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN