Rhian Ramos apologizes for reprising Sharon Cuneta's role in "My Only Love"

"Kahit na sabihing wala naman ako talagang kasalanan, just the same, Iwant to let her feel that I'm just honestly working on a job. The leastthat I can do to appease her, if ever, is to do the best that I can todo justice to the role," says Rhian Ramos about reprising Sharon Cuneta's (inset) role in My Only Love.



Kung si Sharon Cuneta ang tatanungin, hindi na niya nagugustuhan ang pagre-remake sa TV at pelikula ng past movies na tinampukan niya at tumabo nang husto sa takilya. Dahil dito ay agad-agad humingi ng paumanhin si Rhian Ramos dahil siya ang bida sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7, ang My Only Love na tinampukan noon ni Sharon, katambal si Gabby Concepcion.



"Kung si Miss Sharon mismo ay walang magawa na yung past movies niya, nire-remake o nagagamit na concept, it's the same with me. I can't do anything about it since GMA gave me this break, which I don't have the right to refuse," paliwanag ni Rhian nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng My Only Love sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.



Naniniwala si Rhian na kailangang magbigay rin siya ng respeto kay Sharon kaugnay ng bagay na ito.

"If it bothers her, I really have to apologize," sabi ni Rhian. "Kahit na sabihing wala naman ako talagang kasalanan, just the same, I want to let her feel that I'm just honestly working on a job. The least that I can do to appease her, if ever, is to do the best that I can to do justice to the role.



"It's a beautiful role. I would like to thank Miss Sharon for giving life to the original role. Yun bale ang guide ko, pero alam kong hindi ko mapapantayan ang karisma niya sa mga tao. But just the same, I would like to make her feel that we are doing the best that we can to make the new version more appealing to the younger generation.



"Ibang-iba naman kasi ang istorya nito," paliwanag ni Rhian. "Malaki na ang ipinagbago talaga. Marami nang conlicts, because this is a teleserye, not just a movie that has to run for more than an hour."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May bagong spice nga raw ang teleserye at mas maraming characters na tiyak aabangan ng mga manonood nito. "It's not just copying the original," Rhian pointed out.



DJ MO ISSUE. Isa pang matinding isyu kay Rhian ay ang pagtalikod diumano ng marami niyang fans dahil paulit-ulit siyang nakikitang kasama si DJ Mo Twister.



"I understand that when I directly told people that I'm not having a relationship with Mo, 'tapos nakikita pa rin nila akong kasama siya, they started to think otherwise. They immediately didn't believe me.



"But Mo is just a friend," diin niya. "Hindi ibig sabihin kung close kaming ganyan, may relasyon na kami. We're not hiding anything from the fans."



Kung ganyan daw na nakikita sila ng mga taong close naman, ibig sabihin, wala talaga silang dapat itago. Na sadyang magkaibigan lang sila ni DJ Mo.

Pero paano kung totoo naman pala na sila na talaga ni Mo?



"If ever na ganoon, what I will be ashamed about is not Mo, but because I lied. I don't want to lie. I'm not bothered because I'm telling the truth. As simple as that," diretsahang sabi ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN