Rochelle Pangilinan grieves over her father's death

SexBomb Girl Rochelle Pangilinan was still working a day after her father's death.



Halos hindi makapagsalita si Rochelle Pangilinan habang naghihintay ng kanyang taping ng Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok! sa Broadway Centrum kahapon, November 12. Isang araw pa lang kasi ang nakalipas mula nang pumanaw ang kanyang ama na si Mr. Rodolfo Pangilinan sa sakit na emphysema.

Hanggang kahapon ng hapon, hindi pa rin niya nasisilip ang labi ng ama dahil sa sunud-sunod niyang taping. Hindi rin siya puwedeng mawala sa taping ng Tok! Tok! Tok! dahil Christmas episode ang tine-taping nila. Magsisimula naman sa Lunes, November 19, ang bagong season ng Daisy Siete kung saan isa siya sa mga bida.

Halos hindi maipinta ang mukha at nararamdaman ng SexBomb leader. Talagang nakakaawa ang kanyang kalagayan. Nakaupo lang siya sa isang sulok ng dressing room, pinipilit hindi maiyak dahil kakalat ang kanyang make-up.

"Sobrang sakit, sobra talaga. Ayoko munang magsalita hangga't hindi ko nakikita ang tatay ko. Isang episode lang ang ite-tape ko muna dito, hindi lang ako talaga puwede mawala dahil Christmas episode," malungkot na pahayag ni Rochelle.

Pilit pinaglalabanan ni Rochelle ang kanyang nararamdaman. Naka-damit Sta. Claus, nakangiti at sumasayaw, pero damang-dama ng mga nakapaligid sa kanya ang bigat ng kanyang pakiramdam.

"Inaalalayan namin siya kasi talagang nalulungkot siya. Hindi lang siya nagsasalita, pero grabe yung nararamdaman niya ngayon," sabi ni SexBomb Sunshine Garcia.

Bandang alas-siyete ng gabi, nakarating din si Rochelle sa funeral home kung saan nakaburol ang labi ng ama. Dito, inasikaso naman niya ang detalye ng libing ng ama sa Linggo, November 18.

"May ilang oras pa ako dito [funeral home] bago ako umalis papuntang Bulacan para sa taping ng Daisy Siete. Nainitindihan naman ni Ate Joy [Cancio] kung ano ang pinagdadaanan ko kaya pumayag siya na dumito muna ako. Dapat guest din ako sa isang awards night sa Linggo, pero tinanggihan na niya," kuwento ni Rochelle.

Abala rin si Rochelle sa pag-iistima sa mga taong nakikiramay. Dumating ang ilang malalapit na kaibigan ng kanyang pamilya. Nakita rin namin ang ilang entertainment writers na nagmamalasakit kay Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento ni Rochelle kung gaano siya ka-close sa kanyang ama. Hindi raw nila inaasahan ang pagpanaw nito dahil maayos pa ito noong Sabado ng gabi, November 10.

Isa kami sa tumawag kay Rochelle nang nalaman niya ang masamang balita. Papunta siya sa SOP noon (bandang alas-siyete ng umaga noong Linggo, November 11) at sinabi nitong naka-park siya sa isang parte ng Timog Avenue. Hindi raw siya makapagmaneho dahil nanginginig ang kanyang katawan noon.

Talagang unexpected ang paglisan ng ama. Para kay Rochelle, ito ay isang malaking dagok sa kanilang pamilya.

"Nagawa naman niya ang lahat bilang isang anak. Proud na proud ang tatay niya sa kanya. Kaya sana tatagan niya ang kanyang loob," pahayag naman ng ina ni Rochelle na si Mrs. Melanie Pangilinan.

Pipilitin daw ni Rochelle na tapusin ang kanyang trabaho habang nagluluksa sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN