Rayver Cruz surprised by Shaina Magdayao-John Prats courtship

"Sa akin kasi, kahit na ano ang mangyari, maging sila man o hindi,nandito lang ako para sa kanya [Shaina] at hindi ko sila pipigilan.Anuman ang mangyari sa kanila, hindi ako magiging sagabal," says Rayver Cruz about the news that John Prats (inset, bottom) is courting Rayver's loveteam, Shaina Magdayao (inset, top).



Noong una ay puro balita lang na madalas daw napagkikitang lumalabas sina Shaina Magdayao at John Prats, then the identical rings, ngayon ay mismong ang young actress na ang nagkumpirma na nanliligaw nga talaga sa kanya ang young actor.



Sa kabila ng pahayag na ito ni Shaina ay may ilan pa ring hindi naniniwala na ligawan pa lang ang namamagitan sa kanila ni John. Marami tuloy ang nagtatanong kung ano ang reaksiyon ng ka-loveteam at ng isa pang manliligaw ni Shaina na si Rayver Cruz, lalo pa't from the very start ay open na siya sa kanyang nararamdaman para sa dalaga.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver noong November 11 sa dressing room ng ASAP '07, inamin ng binata na marami nang nakakarating na mga kuwento sa kanya noong una. Pero ayon sa kanya, ang mismong kumpirmasyon ng mga pangayayri ay ngayon lang talaga niya nakuha.



"Marami na akong naririnig before, pero mahirap din naman kasing maniwala sa ganun. At least now, alam ko na talaga kasi sinabi na sa akin," pahayag ni Rayver.

Nagalit o nasaktan ba siya sa kumpirmasyong ito, lalo't nagbitaw noon ng salita si John na kaibigan lang talaga ang tingin niya kay Shaina at hindi niya ito liligawan bilang respeto kay Rayver?



"Hindi naman ako nagtampo, nagalit or nasaktan," sagot ng young actor. "Nagulat lang ako, but okay lang siya sa akin.



"Sa amin kasing mga lalake, mahirap magbitaw ng mga salita. Sana hindi na lang siya [John] nagbitaw na hindi pala niya mapapanindigan, pero naiintindihan ko naman siya. Tao lang naman tayo, people make mistakes. Maganda naman talaga si Shaina, talented, hindi siya mahirap na magustuhan.



"Sa akin kasi, kahit na ano ang mangyari, maging sila man o hindi, nandito lang ako para sa kanya [Shaina] at hindi ko sila pipigilan. Anuman ang mangyari sa kanila, hindi ako magiging sagabal," pangako ni Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLUELESS. Noon pa man ay mga lumalabas nang mga kuwento tungkol kina Shaina at John, wala bang napansin si Rayver sa dalawa na puwedeng magsabi na mayroon na silang itinatagong pagkakaunawaan?



"Hindi ko alam," sambit ni Rayver. "Dito ko lang sila nakikita sa ASAP because of UD4. Magbabarkada naman talaga kaming apat [Rayver, Shaina, John, and Maja Salvador]. Wala naman akong napapansin na sila lang ang malapit na dalawa, pero hindi ko alam 'pag wala na kami dito."

Sa ngayon ay nasa Japan pa si Shaina, kung saan nagse-celebrate siya ng kanyang 18th birthday. Sa pagdating ng bansa ng young actress, tiniyak ni Rayver na walang pagtatanong o pakikipag-usap siyang gagawin sa kapareha, lalo't alam niya na maaaring pagmulan ito ng away sa pagitan nila.

"Para saan pa, ‘di ba?" aniya. "Baka wala ring patutunguhan at baka maging reason pa siya ng alitan namin. Huwag na lang. Kung anuman ang nandiyan, respetuhin na lang natin."

Sinabi rin ni Rayver na ihihinto na niya ang panliligaw kay Shaina dahil obvious naman daw na wala ring patutunguhan ang lahat. Ito ay sa kabila ng pahayag ng young actress na mas malaki ang tsansa ni Rayver kumpara kay John.



Paliwanag niya, "Mahirap din kasing magpatuloy kung may nababalitaan kang ganun. Ang importante, kahit na ano ang mangyari, magkakaibigan pa rin kaming lahat. ‘Tsaka ako kasi, mas inuuna ko ang trabaho. Mas makakabuti kung ganun na lang."

Nang hingan namin ng mensahe si Rayver para kay John, ito ang kanyang sinabi: "Basta kung anuman ang mangyari, alagan niya si Shaina, though alam ko naman na aalagaan niya ‘yon, saka ingat lagi."

Magkapareha sina Rayver at Shaina sa Katas ng Saudi at Bahay Kubo, na parehong entries sa 2007 Metro Manila Film Festival. January next year, kumpirmadong may gagawing teleserye si Rayver, ang remake ng Annaliza, pero hindi na si Shaina ang kapareha niya kundi si Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN