Yul Servo defends friend Piolo Pascual against gay issue

"Bilang kaibigan, wala akong pagdududa sa kanya. Kasi hindi naman porke nakipagbulungan ka, bading ka na," says Yul Servo (left) about Piolo Pascual (right).



Muling ipinagtanggol ng actor-Manila councilor na si Yul Servo ang kaibigang si Piolo Pascual sa malisyosong balita ukol sa totoong gender ng sikat na aktor. Sinabi ni Yul na limang taon na niyang kaibigan si Piolo at kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niyang pagdudahan ang pagkalalaki nito.



"Parang hindi na nga nahiwalay kay Brother [Piolo] ang ganyang intriga. Nakalulungkot nga kapag ganyan ang balita sa kanya, dahil kahit naman artista ka ay mayroon ka ring sariling buhay. Pero kaya naman niyang lagpasan 'yan e," pahayag ni Yul nang puntahan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magpakailanman sa Harrison Plaza Manila para sa episode na "Glorietta Blast" na ipalalabas bukas, November 15.

"Pero masasabi kong hindi totoo ang balitang ‘yan dahil sa nakita ko sa kanya bilang kaibigan, wala akong pagdududa sa kanya. Kasi hindi naman porke nakipagbulungan ka, bading ka na," sabi ni Yul na ang tinutukoy ay ang nasulat ni Lolit Solis na nakita niyang nagbubulungan sina Piolo at Sam Milby sa coffee shop ng isang hotel.

"And alam ko naman," patuloy ng actor-politician, "kaya ni Brother ang mga ganyang intriga sa kanya dahil pati kami ay naintriga rin noon. Ang hindi alam ng marami, grupo kami ng magkakaibigan at hindi lang kaming dalawa ni Piolo ang lumalabas-labas. Pinaplano nga niya ngayon na magkita-kita ulit kami, parang reunion. Naging busy kasi kami pare-pareho at karamihan sa grupo ay nasa ibang bansa na.

"May instance nga na natatawa na lang kami sa mga balita at intriga. Kung kilala mo naman ang sarili mo, hindi ka dapat maapektuhan. Kaya lang, kapag masyadong below the belt talaga, mararamdaman mo rin yung sakit, e."

Ano ang reaction nila ni Piolo nang natsismis silang dalawa?

"Minsan lang naming pinag-usapan ‘yon," sagot ni Yul. "Sabi namin, huwag na lang pansinin. Part na rin kasi ng showbiz ito dahil public property ang mga artista. Siyempre sikat siya, mabunga ‘ika nga kaya binabato."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may project ba na pagsasamahin nila ni Piolo, tatanggapin ba ni Yul?

"Kung pagmumulan na naman ng tsismis, sabi ko, maski huwag na lang muna. Pero kung talagang maganda ang project na mahirap tanggihan, bilang artista, okay lang sa akin. Yung mga magagandang project kasi, nakakapanghinayang pakawalan, e," sabi ni Yul.

Nang lumalabas ba sila noon ni Piolo ay may instance na nambabae sila?

Tumawa muna si Yul bago nagsalita. "Dati, nasubukan din namin ‘yan, kaya alam kong yung tsismis sa kanya ay hindi totoo. Simple lang si Piolo at hindi alam ‘yon ng marami. Pero ako, alam ko," natatawang saad ni Yul.

"Pero mabait na si Piolo ngayon, good boy na siya. Siya naman talaga, ayaw niyang manloko ng babae. Actually, malaki ang ipinagbago niya mula nang nag-Victory Church siya."

Nagbigay pa si Yul ng mensahe para sa kanyang kaibigan: "Basta lakasan lang niya ang kanyang loob. Kasi kung minsan, maiinis ka na rin kapag ganyan ang mga banat o balita sa iyo. Kapag nainis ka, mawawala ka na sa focus, di ba? Si Piolo naman, maka-Diyos siya, lagi siyang nagpe-pray.

"Sa mga nang-iintriga sa kanya, sana tantanan na nila si Brother Piolo," pakiusap ni Yul para sa kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN