Star Magic talent Joem Bascon stars in GMA Films co-produced "Batanes"

"Noong papasok pa lang po kami sa GMA compound—first time ko itong makapasok kaya kabado ako—nag-joke ako sa handler kung ililipat na ba nila ako sa GMA," narrates Star Magic artist Joem Bascon. Joem is part of the film Batanes, which GMA Films is co-producing with Ignite Media.



All eyes were on Joem Bascon, the Piolo Pascual-look-alike discovery ng ABS-CBN director Jerry Sineneng, sa pagpasok niya sa Skyline Restaurant sa 17th floor ng GMA-7 kagabi, November 13. Kasama niya ang kanyang handler na si Allan Real at ang kanyang personal assistant.

Joem, a Star Magic artist, is part of the Ignite Media/GMA Films movie Batanes.

Joseph Emmanuel Bascon was born with a silver spoon at puwedeng hindi mag-artista dahil sa yaman ng pamilya niya. May napakalaking lupang pagmamay-ari ang mga Bascon sa Antipolo that stretches to about two or three mountains, including the valleys and lowlands in between these mountains na pinagteypingan noon ng ABS-CBN soap opera na Hiram.

Doon siya nadiskubre ni Direk Jerry at dahil hilig niya namang mag-artista, pumayag si Joem. After more than a year of workshops, binigyan siya ng break sa last soap opera nina Claudine Barretto at Piolo, ang Walang Kapalit. Ironically, hindi ginawang magkapatid sina Joem at Piolo kahit deadringers sila sa isa't isa—something that also happened noon kina Angel Locsin at Glaiza de Castro na nang magsama sa Asian Treasures, kahit parang pinagbiyak na bunga, ay hindi pa rin ginawang magkapatid.

Nabigyan na rin ng small break si Joem sa pelikula. "Dumaan" daw siya sa episode nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo sa All About Your Love, but he considers Batanes his first movie and his biggest break so far.

Si Joem ang gumaganap na unang asawa ni Iza Calzado bago nito nakilala ang F4 member na si Ken Zhu, who was washed away in the island of Batanes from Taiwan after a great sea storm that also took the life of Joem's character.

Marami nang GMA-7 at ABS-CBN exclusive stars ang nagkakasama sa mga pelikula ng Regal Entertainment. But never pang nangyari na isang current Star Magic artist ang mapasama sa isang GMA Films movie. Si Joem pa lang ang nakakagawa nito. From the other side of the table, it's like saying na a GMA Artist Center star acts in a Star Cinema movie that has never happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Flattered po ako siyempre," reaksiyon ni Joem. "Pero noong una, nagulat ako. Nagtanong pa ako sa handler ko kung siguradong ako ba ang ipinapatawag nila sa pelikula. Nabasa ko po ang script at malaki ang role. Bago pa lang ako, bakit naman ako bibigyan ng ganitong break at ng GMA Films pa?"

Inamin ni Joem na hindi siya ang first choice for the role, kundi si Victor Basa na isa ring Star Magic talent. Kaso, biglang pumasok sa Pinoy Big Brother house si Victor kaya ibinigay ang role kay Joem.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Noel Ferrer, project manager of GMA Films, kung bakit sa isang Star Magic talent ibinigay ang papel ni Joem. He explained that sa hanay ng Artist Center talents, wala nang masyadong kaedad si Iza in looks so they searched on the other fence.

It was mentioned before—at naisulat namin ito sa PEP—that it was also offered to Mike Tan. Pero nang mag-test shoot sila, nagmukhang bata si Mike katabi si Iza, so he was given another role, that of Glaiza de Castro's husband.

Ang Ignite Media ang lumapit kay Joem for the role which he readily accepted. Alam niya raw na susosyo rito ang GMA Films later.

"May Iza [Calzado] sa lead role, nandiyan pa sina Mike [Tan], and Glaiza [de Castro]. So I have the feeling agad na may connection ang GMA Films dito," sabi ni Joem.

Pleasant experience ang pagtatrabaho ni Joem sa Batanes. Hindi niya inakala na sa isang katulad niyang Star Magic ay mapapasama sa isang GMA Films movie working with Artist Center stars.

"Noong papasok pa lang po kami sa GMA compound—first time ko itong makapasok kaya kabado ako—nag-joke ako sa handler kung ililipat na ba nila ako sa GMA," natatawang kuwento ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN