Rica Peralejo belies report that she has a new boyfriend


"I guess, that's part of it na kung saan ka mapunta, ili-link ka to anybody. Pero no, wala talaga akong boyfriend," says Rica Peralejo.



After her breakup with Bernard Palanca at mabalita ang panliligaw sa kanya ni Piolo Pascual, wala na tayong nabalitaan sa lovelife ni Rica Peralejo. Palaging sinasabi na naka-focus siya sa kanyang pag-aaral sa Ateneo at sa kanyang showbiz career, pero kamakailan ay lumabas ang balita na may Atenistang boyfriend na raw ang aktres.



Galing daw sa isang maykayang pamilya ang lalake at madalas daw itong nakikitang ka-holding hands ni Rica sa vicinity ng Ateneo. Kung noon daw ay very open sa kanyang relationship ni Rica, ngayon na miyembro na siya ng Victory Fellowship ay mukhang pinili na ng aktres to have a private lovelife.

Pero mariing itinanggi ni Rica ang balitang ito. "Ay wala, wala akong boyfriend!" bulalas niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang bisitahin namin siya sa live presentation ng ASAP '07 last Sunday, November 11.

"Ka-holding hands ko raw sa Ateneo, walang katotohanan ‘yan. I do have guy friends. Almost all of my guy friends are from the church but there are a few from Ateneo and they're all younger than me.

"Kung paano ang tingin at treatment ko kay Sam Milby—kasi ang tawag ko sa kanya is Little Boy—parang ganun din sa kanila [her guy friends]. ‘Pag magkakasama kami, 'O, halika na kayo', o kaya 'iti-treat ko kayo'. Ganun lang kasi parang mga nakakabata mong mga kapatid.



"I guess, that's part of it na kung saan ka mapunta, ili-link ka to anybody. Pero no, wala talaga akong boyfriend," paglilinaw niya.

Ayon kay Rica, ang gusto niya sa susunod na relasyon niya ay pangserysohan na at kung maaari ay mauwi na talaga sa kasalan.



"Bukod sa wala akong panahong mag-boyfriend, gusto ko kung magkakaroon ako ng relationship, yung tama... Ligawan muna, after ng ligawan, tingnan natin kung saan tayo dadalhin nito. Kung dadalhin kami sa altar, then go. Pero kung wala naman akong nararamdaman na sobrang strong, hindi ko dapat pilitin ang sarili ko," sabi ng aktres bilang pagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN