Jewel Mische clears issues with her two StarStruck batchmates

Young actress Jewel Mische clarifies issues with two other StarStruck batchmates Stef Prescott (inset, top) and Paulo Avelino (inset, bottom).



Maraming nilinaw na issue ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische sa grand launch ng bagong GMA-7 telefantasya na Kamandag last November 12 sa Studio 3 ng GMA Complex.



Ayon kay Jewel, nabasa raw niya ang interview ng batchmate niya sa StarStruck na si Paulo Avelino dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Sinabi kasi ni Paulo sa naturang interview na parang mataas na ang level ngayon ni Jewel dahil leading lady na siya ni Richard Gutierrez. Kasabay pa nito ang kawalan ng pag-asa ng binata na muli niyang maliligawan si Jewel.



"Wala namang dapat na ikabahala si Paulo," paniniguro ni Jewel. "Kilala naman niya ako and if he's really serious about making ligaw, puwede naman niyang gawin ‘yon anytime. Bakit ko naman siya tatanggihan if ever?



"Naging very close kami ni Paulo during our StarStruck days at natatandaan ko na sinabi niya na he will still make an effort na ligawan ako kahit anong mangyari. Well, to this day, I'm still waiting sa sinabi niyang ‘yon.



"Ang masasabi ko lang kay Paulo is that hindi ako nagbabago. Kung sino si Jewel na nakilala niya at naging kaibigan niya noong StarStruck, yun pa rin ako.

"Wala namang reason para magbago ako. Kung sa tingin niya na everything will change because leading lady ako ni Richard Gutierrez, nagkakamali siya. I'm still the same person. Anytime puwede niya akong matawagan, he knows naman my number," sabi ng young actress.



Nilinaw ni Jewel na hindi sila naging mag-on ni Paulo during their StarStruck days. Masyado lang daw kasi silang malapit sa isa't isa at madalas silang nagsasabihan ng problema.



"Alam n'yo naman na during those times, ako ang paboritong i-nega ng maraming tao," sambit ni Jewel. "As in sobrang misunderstood ako during those days at si Paulo lang ang naging close ko among the guys. Siya yung nagtatanong kung okay ba ako or kung may problema ba ako. He was there to be a shoulder to cry on kaya naging very close kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sana nga nagkaroon kami ng relasyon, pero hindi nangyari ‘yon. After StarStruck kasi, we had different priorities na. Pero like what I said, nothing has changed. Paulo can still talk to me dahil abot na abot pa niya ako. Ang petite ko kaya!" sabay tawa niya, referring to her height.

STEF PRESCOTT. Sa issue naman tungkol sa kanila ng batchmate din niyang si Stef Prescott, nilinaw ni Jewel na bagama't hindi sila naging close ni Stef, never naman daw silang nag-isnaban kapag nagkikita sila.



"Kami naman ni Stef, noong time pa rin ng StarStruck, pinag-aaway kami. We were always compared to one another, pero hindi kami affected. Though we are not close talaga, we have respect for each other. Kapag nagkikita kami, nagbabatian kami at nagbebesohan.



"Tapos na naman na ang competition, e. And we're both doing okey sa career namin. I always see Stef sa TV at may commercial pa siya. Mas busy pa nga siya compared sa akin, di ba?"

In fairness, ipinagtanggol din naman ni Stef si Jewel at sinabing wala naman daw problema sa pagitan nila. Stef even wished Jewel well sa mga trabaho niya at naiinggit nga raw siya dahil isang Richard Gutierrez ang katambal niya.



"I like to thank Stef for saying that and, likewise, masaya ako for her kasi she's really doing great. Pati na sa buong batch namin sa StarStruck, lahat kami may trabaho sa GMA-7. Mas maganda kasi yung nagtutulungan kami kesa sa pinag-aaway kami. Mas positive iyon para sa aming lahat," pagtatapos ni Jewel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN