Cristine Reyes filed case against Carlene Aguilar for protection

"I hope they all understand that I have to be silent for a while because I need some time for myself," says Cristine Reyes about her friends who send messages to her.



Inamin ni Cristine Reyes na labis siyang naapektuhan sa pagkumpronta sa kanya ni Carlene Aguilar dahil kay Dennis Trillo. Ayon kay Cristine, hindi raw niya inaasahan at hindi dapat ginawa ng beauty queen ang nangyari sa taping ng All Star K noong November 7.

Sa kuwento ni Cristine, hindi naman daw estranghero sa kanya si Carlene. May ilang beses na raw tumawag sa kanya ang ex-beauty queen nang nasa United States pa ito. Hindi na ikinuwento ni Cristine ang detalye ng usapan nila ni Carlene, pero naging maganda naman daw ito kaya't hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pakikiharap sa kanya ng 2005 Bb. Pilipinas-World.

"For protection na rin kaya ako nag-file ng demanda," sabi ni Cristine sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ikinuwento rin ng young sexy star na may ilang pagbabanta sa pamamagitan ng text message na galing diumano sa pinaniniwalaang cell phone number na pag-aari ni Carlene.

Dagdag ni Cristine, hindi na raw muna niya kinakausap si Dennis. Pero kinumpirma niyang humingi na ng paumanhin sa kanya at sa kanyang pamilya ang young actor, na ama ng anak ni Carlene.

Ayaw nang magkomento ni Cristine tungkol sa totoong relasyon nila ni Dennis. Gusto muna raw niyang kalmahin ang kanyang pag-iisip dahil hindi naman daw siya sanay na ginugulo ng kahit sino.

"Mabuti na lang itinatayo ngayon ang Serve," pagbabalita ni Cristine. "Ito ang bagong negosyo namin na disco club. Yung dating Klownz sa Araneta Coliseum, nakuha na namin ang puwesto. Kasama ko rin dito sina Lito Alejandria at Mark Herras, at may ilan pang non-showbiz na partner namin.

"Mabuti nga ito kahit walang shooting at taping ngayon, talagang pinagkakaabalahan ko ito. Anyway, mahilig naman ako sa disco kaya nakakalimutan ko ang problema ko ngayon."

Nagpapasalamat naman si Cristine dahil mula nang pumutok ang kontrobersiya sa pagitan nila ni Carlene ay marami na ang nagpadala ng mensahe ng suporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong hindi nawawala sa tabi ko," sabi ni Cristine. "Ilang araw din akong nagkulong sa bahay at hindi tumatanggap ng tawag o text, pero sobra ko naa-appreciate ang mga messages sa akin. Hindi n'yo lang alam kung paano ko naa-appreciate ang mga ‘yon. I hope they all understand that I have to be silent for a while because I need some time for myself.

"Sobra rin akong nagpapasalamat sa Ate [Ara Mina] ko. Hindi talaga niya ako iniiwan sa mga ganitong pagkakataon. Thankful din ako kay God dahil talagang lumalakas ang loob ko," pagtatapos ng StarStruck 1 Avenger.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN