Lea Salonga back from the success of "Les Miserables"

Filipino international artist Lea Salonga arrived last night, November 13, after a very successful turn as Fantine in the Broadway musical Les Miserables.



Dumating sa Pilipinas ang international Filipino star na si Lea Salonga kagabi, November 13. Kasama ni Lea ang kanyang anak na si Nicole at ang kanyang equally-celebrated mom na si Mrs. Ligaya Salonga.

Halatang pagod si Lea, pero malugod pa rin siyang nagpaunlak ng interview sa ilang miyembro ng media na sumalubong sa kanya sa airport.

Tuwang-tuwa ang international star dahil naging matagumpay ang kanyang pagganap bilang Fantine sa timeless musical play na Les Miserables. "It was an honor and quite a challenge to have played Fantine in Les Miz," pahayag ni Lea.

Ikinuwento rin ni Lea na labis siyang naapektuhan dahil sa nagaganap na stagehand strike sa Broadway sa New York. Ayon sa balita, work rules at staffing requirements, pati na ang mga balangkas sa pagbuo ng isang mamahaling Broadway show, ang naging dahilan ng welga ng mga manggagawa.

"There's not much going on there right now because of the strike and I hope it stops," sabi ni Lea, na labis ang pag-aalala para sa kapwa niya Broadway actors.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Lea habang ikinukuwento niya ang kanyang pagiging ina. Kilig na kilig pa siya habang idinedetalye ang pag-aaalaga niya sa kanyang panganay na si Nicole.

"She runs now! If you can just imagine, hinahabol na siya ng lola niya. Ako hinahabol ko siya kahit saan. Nakakatuwa! She's such a sweet and wonderful kid. She also talks a little bit now. So it's really nice when I talk to her. Nakakatuwa talaga!" pagmamalaki ng Tony-winning actress-singer.

Natuwa rin si Lea nang mabalitaan niyang may plano si Ai-Ai delas Alas na gawan siya ng tribute concert. Wala raw problema kay Lea kung gawin ng comedienne na katatawanan ang mga kantang pinasikat niya. Basta ang importante raw ay huwag mawala ang respeto kung paano isinulat ang mga nasabing kanta.

"Wow, I feel so honored and so flattered!" bulalas ni Lea. "You know that's Ai-Ai and you pretty know what to expect when you watch her. She's a great comedian."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang cruise ship daw magpa-Pasko si Lea at ang kanyang pamilya. Wala pang ibang plano ngayon ang aktres kundi tutukan ang kanyang bagong musical play sa Pilipinas, ang Cinderella.

Sa July 29 hanggang August 24, 2008 ipapalabas ang Cinderella sa Cultural Center of the Philippines at ililibot pa sa ilang bahagi ng Asya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN