Kristine Hermosa unsure whether Oyo Sotto is courting her or not

Kristine Hermosa insists that Oyo Sotto (inset, top) is just a veryclose friend: "Kahitmakita n'yo kami ng ilang beses [magkasama], wala kaming itinatago kasi we'rereally just friends." The actress admits that she still loves old flame Diether Ocampo (inset, bottom).


Muli na namang nakitang magkasama sina Oyo Sotto at KristineHermosa sa "Hitch Party" ng Head & Shoulders kagabi, November 14, sa FiammaBar sa Makati.

Sa sabay nilang pagdating, muling napag-usapan kung anonga ba ang real score sa pagitan nina Kristine at Oyo. "We're both invited. Yungmake-up artist ko kasi may friend siya from the organizer, so in-invite kamingdalawa ni Oyo," depensa ni Kristine.

Ayon sa star ng Prinsesa ng Banyera, kahit na madalassilang magkasama ni Oyo ay wala naman siyang ideya kung nanliligaw angbinata. Aniya, malapit lang talagasiya sa mga kaibigan niya.

"We're good friends. Hindi ko alam, e, [kung nanliligaw]. Hindi ko kasi alam kung papaano yung ligaw na kasi iba-iba naman yunglalaki. Hindi naman sila basta-bastapare-pareho ng style, right? So hindiko alam kung ano yung ligaw na at saka kung ano yung hindi pa, kung ano yungkaibigan lang.

"Kasi ako, sobra talaga akong close sa mga guy friendsko. So parang sobrang affectionate atsobra talaga akong sweet sa mga guy friends ko. Kahit hindi sa mga guy friends ko, kahit sa mga girls. So hindi ko alam, hindi koma-differentiate," paliwanag ni Kristine.

Nabanggit din ng aktres na naipakilala na siya ni Oyo sa ina ng binata na si Dina Bonnevie at sa kapatid nitong si Danica Sotto-Pingris. "Ipinakilala na siya [Danica] sa akin niOyo. Mababait sila, mababait ang buongfamily nila."

Ibig sabihin ba nito na hindi totoo ang balitang hindi botosa kanya si Dina para kay Oyo?

"Alam n'yo hindi naman kailangan ng mga boto-botohan kasi,unang-unang, hindi naman kami ni Oyo. We're just friends. So huwag na tayong magboto-botohan ng ganyankasi wala namang nangyayari, di ba?" sabi ni Kristine.

Magkasama gumaganap sina Kristine at Oyo sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Enteng Kabisote 4.

DIETHER OR OYO? Ngayong mas madalas namakitang magkasama sina Kristine at Oyo, naitanong tuloy ng entertainment presskung mas pinipili na niya si Oyo kaysa sa dating asawa na si Diether Ocampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman ni Oyo na mahal ko pa si Dietand alam niya na gusto ko pa rin na magkaayos kami ni Diet. And sobra naman siyang understanding doon sapart na 'yon kasi nga kaibigan ko talaga si Oyo."

Dagdag pa niya, "Alam naman ni Oyo where he stands, e. At saka, kami naman ni Oyo, nag-promise nakami na no matter what, we'll be friends. So hindi ko alam kung anong mangyayari, basta magkaibigan kami."

Naikuwento rin ni Kristine na napag-usapan na nila ni Dietherang tungkol sa isyu nang minsang magkita sila sa isang birthday party. Salaysay ng dalaga, "Napag-usapan namin,sinabi ko sa kanya na wala naman talaga, e. Minsan kasi nilalason ka na lang ng mga iniisip mo, di ba? Parang since hindi mo ma-clear out, walakang choice kundi paniwalaan yung mga iniisip mo.

"So sabi ko sa kanya, 'You ask kung may gusto kang itanong saakin. Pero make sure na kapag tinanongmo ako, kaya mong maniwala sa sasabihin ko. Kasi ang mahirap doon na part, tatanungin mo tapos sasabihin sa 'yo yungtotoo, pero hindi ka maniniwala.'"

Sa ngayon, ayon kay Kristine, in the process pa rin angkasong annulment nila ni Diether. "Wala pa kasi kaming alam ngayon. Wala pang balita sa amin kung na-grant na bao hindi pa na-grant. So hinihintay nalang namin yung result," aniya.

Kung sakali, gusto pa rin daw ni Kristine na magkaayossila ng dating asawa. Aniya, "Ang damina naming pinagsamahan ni Diet. Angdami na naming bagyo na na-surpass. Siyempre, hoping pa rin naman. Pero sana, if ever man, maayos na talaga,plantsado na lahat, okay na kami. Yunlang naman ang gusto kong mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN