Angel Locsin clarifies issues about Jennylyn Mercado and Luis Manzano

Young actress Angel Locsin denies rumors that she and LuisManzano are having a relationship. Shesays, "Wala naman kasi kaming dapat sabihin. Wala rin kaming dapat i-explain, di ba? Wala, ine-enjoy lang namin ang buhay namin, trabaho lang."


Bagama't huli nang nakarating si Angel Locsin sa "HitchParty" ng Head and Shoulders kagabi, November 14, sa Fiamma Bar, Makati City, nagtiyaga pa rin angilang entertainment press na hintayin siya upang makuha ang kanyang pahayag tungkolsa iba't ibang isyung kinasasangkutan niya.

Pagdating ni Angel, agad na naikuwento sa kanya ng media namagkasamang dumating sa naturang okasyon sina Patrick Garcia at JennylynMercado.

"Sayang, sana nagkita-kita kami. Sayang tagal ko nang di nakikita, e. Hindi ko alam, wala rin ako sa posisyon para magsalita pero gustoko rin silang makita together din naman," agad na sagot ni Angel tungkol sa kanyang kapatid sa manager nilang si Becky Aguila.

Matatandaang nagpahayag si Jennylyn ng kanyang saloobin ukol sa kanyangmanager. Nabanggit ni Jennylyn noon na parang nadamay siya sa paglipat niAngel sa ABS-CBN mula sa GMA-7 kung kaya't naging matumal ang projects niya sakanyang mother station.

Nang malaman na nakaalis na ang magkasintahang Patrick atJennylyn, nadismaya si Angel dahil pagkakataon na raw sana ito upang magkausapsila ni Jennylyn.

Aniya, "Matagal ko na rin siyanghindi nakikita. Sana nagkaabot kamipara mag-usap-usap din kami. Pero okayna naman lahat, e. Pero gusto ko lang humabol o makabawi sa kanya."

Kamusta na ang relasyon nila ni Jennylyn ngayon pagkatapos nitong ibuhos ang kanyang sama ng loob?

"Okay naman," sagot ni Angel. "Yung isyu, napag-usapan na naman, e. Pero sayang, sana naabutan ko siya dito para makabawi rin namanako sa kanya. Hindi kami close, pero ewan ko lang, parang gusto ko lang ipa-feel sa kanya na nandito naman ako. Sumusuporta naman ako sa kanya kahit anongmangyari."

LUIS MANZANO. Kinuha na rin namin ang pagkakataon na usisain ang totoong relasyon ni Angel kay Luis Manzanona matiyagang naghintay sa pagdating ng dalaga sa "Hitch Party."

Unang-una, nilinaw ni Angel na hindi sila nag-usap ni Luisna magkita sa naturang party. "Actually,ang kliyente naman ang nagde-decide kung sinong model o artista ang iimbitahinnila. Kami, pumunta lang naman kamirito, nagtrabaho lang kami. Ako, galing ako sa Lobo taping."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng young actress na bagama't masaya siya kapag nakakasama siLuis, wala itong ibang kahulugan at trabaho lamang. "Paulit-ulit ko namansinasabi na priority namin ang trabaho namin," sabi ni Angel.

Hindi kaya pinipigilan lang ni Angel na ma-develop ang feelings kay Luisdahil ang kapareha niya ngayon ay si Piolo Pascual?

"Pipigilan? Satingin mo ba mapipigilan pa yun?" rason ni Angel. "At saka ako, never naman ako nag-denytungkol sa mga naging boyfriend ko, alam n'yo naman 'yan, e. Siguro hindi lang ito yung tamang panahon din,nag-e-enjoy lang muna ako."

Ipinaliwanag din ni Angel ang isyung ginagamit lamang siya niLuis. Para sa kanya, "Sinagot ko na yan dati, e. Sabi ko, ‘Kailangan bang manggamit ang anakni Darna [Vilma Santos] at saka ni Captain Barbell [Edu Manzano]?' Kailangan pa ba nun, di ba? Sino ba naman ako? Sobrang kalokohan yung issue."

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP na hingan ng pahayagsi Luis, na nasa party rin, tungkol sa gamitan issue.

"Even before pa siya lumipat, I think kasagsagan pa ngDarna yata, I was asking friends to introduce us na, commonfriends.... Pero wala tayongmagagawa kung 'yon ang opinion nila, e," maikling paliwanag ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN