FIRST READ ON PEP: Gladys Guevarra returns to the Philippines without her boyfriend

After a few months in New Jersey City, comedienne-singer Gladys Guevarra will come back to the Philippines tomorrow night, November 16. It is not yet clear how long Gladys will stay.



Mag-isang darating sa Pilipinas ang comedienne-singer na si Gladys Guevarra bukas ng gabi, November 16, matapos ang tatlong buwang pananatili sa New Jersey.

Umalis last August si Gladys kasabay ang boyfriend na si Philip Peredo nang bumisita ang huli for business purposes.

Naging domesticated ang beauty ni Gladys sa New Jersey kasama ang Fil-Am boyfriend. Plano niyang mag-aral ng culinary arts sa New York dahil hilig naman niya talaga ang magluto.

Ayon kay Gladys nang makausap namin bago siya lumipad pabalik sa Pilipinas, kailangan daw siya ng ka-partner niya sa bubuksang branch ng Lugawan Republic sa Metrowalk, Pasig City, sa November 23. Maganda kasi ang naging resulta ng una niyang Lugawan Republic sa Timog Ave., Quezon City, kaya nagdesisyon siyang mag-branch out.

Sa pag-iimpake ni Gladys, nagtataka raw si Philip kung bakit marami siyang dalang maleta. Idinahilan ng komedyana na ilang buwan kasi siyang magtatagal dito sa Pilipinas.

Unang nag-meet nina Gladys at Philip nang mag-show ang singer-comedienne sa New Jersey last May. Whirlwind romance ang nangyari sa kanila at nang magkaroon ng show sa Los Angeles last August si Gladys, pinuntahan talaga siya ni Philip doon.

Nang si Philip naman ang pumunta sa Pilipinas, two weeks din siyang nanatili rito. Magkasabay na silang pumunta ng United States last August 18.

Of course, kahit nasa New Jersey na siya, sinusundan pa rin ng intriga si Gladys. Natsismis siyang buntis, pero itinanggi niya ito.

Ngayong bumalik siya ng bansa, siyempre ang intriga sa kanya ay baka hiwalay na sila ni Philip.

Habang wala rito si Gladys, inalok siya ng GMA-7 na makasama sa Boys Nxt Door. Gusto rin siyang isama sa Jolina Magdangal movie ng GMA Films at sa remake ng Working Girls na ididirek ni Wenn Deramas.

Kung hanggang kailan mananatili sa Pilipinas si Gladys sa bansa, tanging siya lang ang nakaaalam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN