Eula Valdes still friends with ex-husband Ronnie Quizon

"Yun naman ang gusto ko sa nangyari sa amin ni Ronnie. There are times na nasa kanya si Miguel and maganda ang bonding nila.Never ko naman inilayo ang anak namin kay Ronnie, e. Whenever Miguelwants to see his dad, kahit kailan puwede," narrates actress Eula Valdes about her relationship with ex-husband Ronnie Quizon.



Kahit happily married si Eula Valdes sa kanyang husband na si Richard Litonjua, marami pa rin ang nagtanong sa kanya sa presscon ng bagong GMA-7 telefantasya na Kamandag kung kumusta na sila ng ex-husband niyang si Ronnie Quizon.



Sabi ni Eula, in good terms naman daw sila ng kanyang dating asawa. In fact, ginawan pa nga raw siya ng tatlong songs ni Ronnie para sa malapit nang i-release na album ni Eula.



"Matagal na naming gustong gawin ‘yon, noong kami pa ni Ronnie. Pero nangyari ang mga hindi inaasahan. Kailan ko lang ulit binalikan ang first love ko, which is singing.



Ayon kay Eula, "Noong pumasok ako sa Viva Films noon, gusto ko talagang maging singer. Pero sabi sa akin noon na mag-concentrate na lang muna ako sa acting kasi nga nandiyan na noon si Sharon Cuneta, then dumating si Regine Velasquez.



"Noong naisipan kong i-produce itong album ko, humingi ako ng songs kay Ronnie since he's a good songwriter. Hindi lang isa ang binigay niya kundi tatlo pa. Kaya ngayon, nahihirapan kaming pumili ng magiging carrier single kasi magaganda lahat ng ibinigay sa akin ni Ronnie," lahad ng aktres na unang nakilala sa pelikulang Bagets.



Kuwento pa ni Eula, minsan naman daw ay na kay Ronnie ang anak nila na si Miguel kapag sobrang busy siya. Hindi naman daw nagbabago ang relasyon ng mag-ama at mas nami-miss daw nila ang isa't isa.



"Yun naman ang gusto ko sa nangyari sa amin ni Ronnie," sabi ni Eula. "There are times na nasa kanya si Miguel and maganda ang bonding nila. Never ko naman inilayo ang anak namin kay Ronnie, e. Whenever Miguel wants to see his dad, kahit kailan puwede."



Dapat pala ay papasok na rin sa pag-aartista si Miguel, pero bigla raw itong nag-backout dahil gusto na lang daw niyang mag-concentrate sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Okay lang naman sa akin na subukan niya ang showbiz. Nasa dugo na niya ang pagiging artista, e. Noong okey na sana lahat, biglang ayaw na niya. Hindi ko na siya pinilit kasi it's his decision na huwag na lang. I guess my son made a good choice kasi mas gusto niyang mag-excel sa school at maglaro ng kanyang computer games!" sabay tawa ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN