Kier Legaspi woos Rochelle Pangilinan again

"This time, bahala na kung ano mangyari. Alam naman ni Rochelle na special siya sa akin," says Kier Legaspi (left) about Rochelle Pangilinan (right).



Ngiti lang ang isinasagot ni Kier Legaspi tuwing tinatanong siya kung naging sila ba talaga ng SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan. Sa press launch ng Season 17 presentation ng Daisy Siete na may pamagat na "Ulingling," naintriga ang entertainment press nang sabihin ni Kier na never daw niyang ikinahiya si Rochelle sa kanyang mga kaibigan.



Understandably, nagkaroon sila ng relasyon, pero hindi ito nilinaw ni Kier.



"Naging maganda ang friendship namin ni Rochelle since nagkatrabaho kami sa Daisy Siete. I did two seasons noon bago ako ulit pumasok nitong ‘Tabachingching.' Matagal din kaming hindi nakapagtrabaho together, pero naging constant naman ang communication namin ni Rochelle," kuwento ni Kier.



Inamin ni Kier na nanligaw nga siya kay Rochelle, pero bigla itong naputol.



"It was my fault naman kasi may mga nangyari sa buhay ko that time na hindi maiwasan," sabi ni Kier. "Nag-explain naman ako kay Rochelle kasi nagulat din siya kung bakit daw ako tumigil."



Ngayon at loveless pa rin si Kier, mukhang seryoso na siya na makarelasyon si Rochelle.



"Magsisimula ulit kami," nakangiting sabi ng aktor. "Mas maganda if we start fresh, di ba? Si Rochelle naman, mabait na tao ‘yan. Kaming dalawa ang parating nagsasabihan ng problema noon kaya naging sobrang close kami. This time, bahala na kung ano mangyari. Alam naman ni Rochelle na special siya sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN