Raymart Santiago resurfaces in "Zaido"

While waiting for his call slip in Zaido, actor Raymart Santiago had time to bond with his firstborn son, Rodrigo Santino (inset).



Pleasant surprise na nasa set ng Zaido: Pulis Pangkalawakan si Raymart Santiago last Wednesday night, November 14, sa Marikina nang bumisita ang mga publicist ng naturang fantaserye ng GMA-7. Pagkatapos kasi ng pilot week ng Zaido ay "namatay" ang character ni Raymart at natagpuan na lang siya ni Dennis Trillo as Gallian after the sixth week.

Weeks six to eight ang kinukunang mga eksena sa nasabing lugar, kasama na ang pagbabalik ni Raymart sa show. Very jolly si Raymart na nakipag-usap sa press at nakakatawa ang mga birong isinasagot niya sa ilang katanungan.

Nang sabihin naming mabuti at nakabalik ang character niya sa Zaido, "Oo, lumapit ako sa GMA, sabi ko wala na akong pambili ng gatas," patawa niyang sagot.

Seriously though, nasa kuwento naman daw talagang mawawala ang character niya at babalik after some time with a totally different personality. May magbabago sa kanyang character na hindi pa puwedeng i-reveal dahil isa ito sa mga magiging twist of the story ng Zaido within the next few weeks.

Tinanong namin si Raymart kung ano ang ginawa niya while waiting for his next call slip.

"'Ayun, nasa bahay lang, nakatitig sa pader!" patawa niya ulit.

Raymart is very happy though na nagkaroon siya ng time sa kanyang firstborn son with wife Claudine Barretto, si Rodrigo Santino. Binanggit namin kay Raymart na may sarili nang thread si Santino sa isang website with the banner na ‘Rodrigo Santino, whoah cutest one-day old baby I've ever seen.'

"Siya nga?" tanong ng proud daddy bago nagpakita ng latest pictures ng kanilang anak sa kanyang I-phone. Tunay ngang napaka-cute ni Santino na kinunan ng ama nang sunud-sunod, catching all the innocence and cuteness of the baby.

Hindi agad naipadala ni Raymart ang mga pictures dahil wala siyang Internet connection for his I-phone at wala rin itong multimedia capacity, kung kaya't ipinadala na lang niya ito sa amin via email.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

All throughout the interview, hindi kailanman isinantabi ni Raymart ang kanilang ampon ni Claudine na si Sabina. Every statement ni Raymart sa mga tanong sa kanya, binibilang niya palagi si Sabina as their firstborn, making him more endearing sa mga press as a truly loving father.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN