"Manay Po 2" starts shooting November 22 with cast changes

(From left) John Prats, Polo Ravales, and Jiro Manio will all reprise their roles in the sequel of their hit comedy movie Manay Po.



Nag-story conference na ang Manay Po 2 sa Regal Entertainment office sa Tycoon building, sa Ortigas, Pasig City last rainy Thursday night, November 15.

Maagang nagsidatingan ang ilan sa mga original cast led by Cherry Pie Picache, Polo Ravales, Jiro Manio, Christian Vazquez (the earliest to arrive), Luis Alandy, IC Mendoza; pati na rin ang director na si Joel Lamangan at supervising producer na si Manny Valera.

Hindi nakarating sina John Prats (may prior commitment), Charles Christianson (may klase), Mike Tan (na-traffic dahil sa ulan), at ilan pang GMA Artist Center stars na pasok na rin sa pelikula. Just the same, represented naman sila ng mga handlers and managers nila.

Dumating din ang ilan sa mga bagong cast. Earliest si Rubi Rubi, ang maid sa Hide and Seek, na siyang gaganap na Summer Rain na magiging ka-triangle nina Cherry Pie at Christian; ABS-CBN Star Magic teen star Sean Ignacio, na minsan nang gumanap na bakla as the young Ada sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh, now playing a full-length gay role bilang classmate ni Jiro na si Daphne; at ang Marilao, Bulacan councilor na si Alex Castro playing Rainier, ang bagong apple of the eye ni John.

Hindi nakarating ang pinakamalaking addition sa pelikula, si Katrina Halili, who will play the babymaker of Polo and Luis. Nasa Marimar taping kasi si Katrina at mahirap pakawalan.

Isa pang hindi nakarating ay si Marco Alcaraz na magiging part of the movie. Pero hindi pa sigurado ang role niya, either as the role originally intended for him bilang si Moxie na lover ni Katrina, or baka maging teacher ni Jiro. Hindi na kasi pumuwede ang artista na papapel sanang guro ni Jiro dahil sa scheduling, so maghahanap pa ng kapalit.

Hahanapan na rin ng kapalit ang babaeng gaganap na girlfriend ni Jiro dahil hindi rin pumuwede ang original choice for the role due to scheduling again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong GMA-7 artists ang mga papalitang artista dahil both stars have two shows kung kaya't hindi makabutas sa mga schedules nito.

If everything goes well, this Thursday, November 22, na ang first shooting day ng Manay Po 2 at kung maaayos, naka-schedule itong ipalabas on January 30 as Regal's first salvo in 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN