FIRST READ ON PEP: Mark Lapid finally breaks his silence but refuses to give details

"Sa akin po, lahat ng istorya, siguro po may time po lahat ‘yan kungkailan. But for now, everything that has been said and lahat ng sinabiis being contested in court, and I will wait for the decision of thecourt. Until then, ayoko munang magbigay ng details or what," says Mark Lapid.



Nasunod naman ang plano at hiling nina Mark Lapid at Tanya Garcia na magpapa-interview sila sa media pagkatapos ng binyag ng anak nilang si Mischa Amidala kagabi, November 18, sa auditorium ng Philippine Stock Exchange sa Ortigas Center, Pasig City.

Habang karga-karga ni Mark ang kanyang baby girl na si Mischa Amidala ay sinagot nila ni Tanya ang ilang katanungan ng entertainment press. Matagal na rin kasing nanahimik ang dalawa mula nang pumutok ang ilang kontrobersiya na kinasasangkutan nila.

Nagpasalamat si Mark sa pagdalo ng mga napili nilang maging godparents ng kanilang anak ni Tanya, lalo pa nga't nang una nilang pabinyagan ang anak sa Las Vegas ay sila-sila lang daw ang nasa simbahan.



"Nagpapasalamat kami sa lahat ng ninong at ninang, and of course, sa pamilya namin at mga relatives sa suporta nila sa amin. Thank you po," simulang pahayag ni Mark na for the first time ay nagpaunlak ng interview.

PROUD PARENTS. Pinaghalong politics at showbiz ang mga ninong at ninang ni Mischa. Kanya-kanyang choice din ba sila ni Tanya rito?



"Kasi, kanya-kanya kami ng mga kaibigan na malalapit. Ang sabi ko nga, huwag mo munang ubusin. May susunod pa ‘yan, baka maubusan!" natatawang sabi ni Mark.

Obviously, very proud si Mark sa anak pero maagap ang sagot nito when asked kung sino ang kamukha ng anak. "Si Tanya!" bulalas niya.

"Obvious naman sa kulay, ang puti! Kaya nga kaninang picture taking, sa kaliwa ang mapuputi at sa kanan naman ang medyo moreno," biro niya, na ang tinutukoy ay ang partido nina Tanya na mestisahin at ang pamilya ni Mark na mga moreno.

Nang unang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tanya, naikuwento nito ang pagiging hands-on nila kay Mischa, lalo na si Mark.



"Parehas lang naman. Lalo na noong nasa Las Vegas kami. Kaming dalawa lang [ni Tanya]. Wala kaming mga kasamang katulong or ibang taong aasahan, so palitan kami. Driver, kusinero, lahat-lahat! Taga-luto, taga-laba, kaming lahat," masayang kuwento ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



As early as now, marami na raw silang magagandang plano para sa kanilang anak.



"Siyempre marami," sambit ni Mark. "For now, definitely yung health niya at saka yung environment na dapat niyang kalakihan."



Bagama't sa Las Vegas isinilang si Mischa, dito sa Pilipinas naman daw nila planong palakihin ang anak. "Dito...dito...mas maganda ang values kapag dito sa Pilipinas," sabi ni Mark.

Mukhang happy naman as a couple sina Mark at Tanya. Masasabi ba nilang sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon nila, mas nag-grow at naging stronger ang pagmamahal nila sa isa't isa?



"Oo naman, siyempre," pagsang-ayon ni Mark. "Lahat naman, hindi nag-i-start na puro sarap, di ba? Sabi ko nga, kung anuman, ‘yon sa family na lang. Although public figure kami, meron din naman sigurong mga bagay na sa amin na lang ‘yun.



"At the same time, gusto ko rin pong banggitin at pasalamat ang lahat ng taong tumulong sa amin sa Las Vegas. Kami lang ho roon, wala ho kaming kasama roon. Pero nandoon sila para tulungan kami, gabayan kami, padalhan kami ng kung ano-anong pagkain, bisitahin."



Kasalukuyan pa lang naglilihi noon si Tanya nang umalis sila papuntang Las Vegas. Masasabi ba nilang dahil sa takot sa mga nagiging intriga kaya nagdesisyon silang umalis noon?



"Hindi po," tanggi ng actor-politician. "Ito po talaga ang plans namin. Una, sa lahat ng stress and everything, gusto lang ho namin mabigyan ng magandang paglabas si Mischa na walang kumplikasyon, walang problema. At siyempre, time na rin po siguro namin para mag-bond na pamilya dahil tagal ko na rin naman po sa pulitika."



Kailan naman kaya ang posibleng kasalan nila ni Tanya?



"Sa susunod na pagsagot po namin, kasama na yun sa sasagutin namin," natatawang tugon ng dating governor ng Pampanga.



BREAKING HIS SILENCE. Napag-usapan din at naitanong kay Mark kung bakit naging matagal ang pananahimik nila ni Tanya at hindi pagpapa-interview sa media. Ito ay sa kabila ng paglantad ng Koreanang si Yuri Park na may anak siya kay Mark, pero hindi raw sinusustentuhan ng actor-politician ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paliwanag ni Mark, "Well, siyempre po... Sa akin po, lahat ng istorya, siguro po may time po lahat ‘yan kung kailan. But for now, everything that has been said and lahat ng sinabi is being contested in court, and I will wait for the decision of the court. Until then, ayoko munang magbigay ng details or what.

"Kasi nga po, malapit na rin pong madesisyunan ‘yan and I just wanna thank Tanya and yung family niya for understanding my situation. Most especially sa family ko rin na kahit ipit na ipit na ako at down na down ako. Thank you for believing in me.

"Sabi ko nga, makakaraos din kami. Darating din po yung point...hindi po kami nagtatago. Hindi po kami umiiwas, pero gusto lang po naming huwag maantala yung court proceeding namin.



"It's not about publicity po ang laban, e. It's about personal life, it's our future. Hindi po kami basta-basta puwedeng magsalita. Tanya naman po is very understanding kaya nga po ang dami ko pong dapat na ipagpasalamat sa kanya. Sabi ko nga po, kung meron man kasalanan ng lahat would be ako po ang dapat na ituro. So, aminado naman po ako sa lahat ng ‘yon. But everything is being contested. A single word is being contested by the court and I will wait for the decision of the court.



"Then, hindi muna po ako magbibigay ng details. Sana po ay maunawaan n'yo ako dahil kinabukasan ko po ito. Kinabukasan po ng pamilya ko. And, of course, kinabukasan po ng anak ko kaya maraming-marami pong salamat," pahayag niya na iwas na iwas magbanggit ng detalye na may kinalaman kay Yuri at sa anak nila diumano.



POLITICAL ISSUE. Bukod sa naturang isyu, hindi rin tinatantanan si Mark ng mga intriga na may kinalaman sa pulitika kahit wala na siya sa posisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po mawawala ‘yan, e," napabuntung-hininga si Mark. "Sa mga kababayan ko nga po, kilala naman nila ako. Kilala naman nila ang pamilya ko. Everything...alam naman nila kung ano ang nagawa namin sa probinsiya. Kung anuman po ang personal na tinitira sa akin, masasagot ko lahat ‘yon. But until hindi pa ho ako nakakakuha ng desisyon sa court, ayoko munang magsalita. Ayoko hong maging publicity ito. Kailangan, if I go into public, kailangang nasa papers, nasa batas. Kasi, ‘yon po ang batas."



Maging ang kinikita raw ng quarrying ay ikinukumpara noong pa nakaupo bilang governor ng Pampanga at sa kinikita ngayon. Ano ang masasabi niya rito?



"Alam n'yo ho, pulitika ho ‘yan, e. Tinatanong ko nga sa kanila, kita noon at kita ngayon? Bakit noong malaki ba ang kita ng Kapitolyo noon, noong panahon namin, sinasabi naman namin sa kanila pero ayaw nila kaming pakinggan? Pero bakit ngayong sila naman ang nagsasabi na malaki ang kinikita, wala rin gustong makinig sa kanila? Bakit sa amin lahat sinisisi? Ngayon, nari-realize nila na kahit ano ang sabihin mo, kung ayaw nilang makinig, wala silang magawa.



"So, huwag nilang ibi-blame ang sisi sa amin, sa aming nananahimik. Kami ho ay hindi nagsasalita at wala silang maririnig sa amin. Mahal na mahal namin ang mga kababayan namin at nirerespeto namin ang mga kababayan namin. Kung anuman ang opinion nila at payo nila, nasa sa kanila ho ‘yon. Maraming-maraming salamat ho, pero kami ho ay nananahimik."

|

May chance ba na muli siyang bumalik sa pulitika?



"Masyado pa hong maaga para pag-usapan ‘yon. Siyempre, nasa desisyon ho ‘yan ng mga kababayan ko at wala ho sa akin. Para naman po sa mga Kapampangan, anytime na tawagin nila kami, kami naman po ay nandiyan lang," sagot ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN