EB Babe Lian Paz reveals past trauma, talks about love with Mark Herras

"Si Mark, sobrang seloso po. Kahit maliit na bagay lang ay pagseselosanna niya. Pero ang nakatutuwa, iba ang paglalambing niya, sobranglambing at sweet niya sa akin," says Lian Paz about her boyfriend Mark Herras (inset).



Naging biktima pala ng sexual harassment ang EB Babes member na si Lian Paz noong eight years old pa lamang siya. Bukod pa rito, naranasan din niyang maging battered girlfriend noon kaya naman hindi maiiwasang mauwi ito sa pagiging man hater ng dancer ng Eat Bulaga.

Tampok ang life story ni Lian sa Magpakailanman ni Mel Tiangco na ipalalabas this Thursday, November 22, sa GMA-7. Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lian kagabi, November 19, sa taping ng naturang programa at dinatnan namin siyang kaeksena sina Jay Manalo, Glaiza de Castro, Joseph Bitangcol, at iba pa.

Inusisa agad namin si Lian ukol sa hindi magagandang karanasan na pinagdaanan niya noon sa kanyang buhay.

"Actually, dahil nga po sa mga bagay na ‘yon, may trauma ako sa mga lalaki, dati pa," panimula niya. "Ngayon hindi na ako man hater talaga, masaya naman ang buhay ko with the help of my parents and friends.

"Pero siyempre, alalay pa rin dahil minsan bumabalik pa rin sa akin yung mga bagay na ‘yon, e. Hindi pa rin totally nawala, may times na napapanaginipan ko pa rin ito."

Totoo bang muntik na siyang ma-rape noong bata pa siya?

"Hindi naman po actually muntik ma-rape... I was eight years old that time at may kapitbahay kami na tina-touch-touch niya ang ilang sensitive parts ng katawan ko. So, parang sexual harassment po ito at simula nang nangyari ‘yon, never na akong bumalik sa mga lola ko," paliwanag ni Lian.

Dagdag niya, "Pero hindi naman pumasok sa isip ko na gumanti or what, ipinasa-Diyos ko na lang po. Kaya nang sabihin po ni Ma'am Malou [Choa- Fagar] na ipi-feature ang life story ko sa Magpakailanman, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Gusto ko rin kasing magbigay ito ng lesson sa mga kabataan. Kasi ipapakita rito na hindi dapat mawalan ng pag-asa, huwag maggi-give up sa lahat ng challenges. Instead, dapat na maging mas matapang sila. Dapat tingnan nila ang brighter side ng mga bagay na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLOOMING CAREER. Sinabi rin ni Lian na masaya siya sa takbo ng kanyang career. Bukod kasi sa laging humahataw ang ratings ng Eat Bulaga, umaasa siyang ang paglabas niya sa Magpakailanman na ang simula ng pagsabak niya sa acting.

"Sana ay [ganoon] na po ‘yon," sambit niya. "Sa tingin ko nagmu-move on sa next level [yung career ko] at sobrang thankful ako kay Lord dahil sa pagkakataong ito na matagal ko na rin hinintay.

"Mula nang pumasok naman kami sa Eat Bulaga, sinabi ni Ma'am Malou na dapat ay versatile ang EB Babes. Malaking bagay sa akin na tinutulungan ako ng mga kasama ko."

Payag ba siya sakaling magkaroon ng project na pagsamahin sila ng boyfriend niyang si Mark Herras?

"Opo naman, why not? If bibigyan ng opportunity, yes, okay sa akin," walang kagatol-gatol niyang sagot.

RELATIONSHIP WITH MARK. Ukol naman sa pag-amin ni Mark sa tunay nilang relasyon, noong una'y ayaw magsalita ni Lian subalit hindi na rin siya nakaiwas nang kunin ng PEP ang reaksiyon niya sa ginawa ng young actor.

"Masaya po ako nang sabihin niya sa isang interview na almost nine months na kami. Hindi ko nga po alam na sasabihin niya ‘yon and mas masaya dahil marami siyang projects. Natutuwa ako na kahit alam ng mga tao na may girlfriend siya, okay pa rin yung mga ka-loveteam niya," pahayag ni Lian.

Sakaling isipin ng iba na sa set-up nila ni Mark, isa siyang martir dahil sa image ng young actor bilang pabling, ano ang mararamdaman niya?

"Lahat naman po ng tao ay nagbabago e. So, kung may image man siyang ganoon, dati pa po ‘yon siguro. Hindi rin maiiwasan dahil nagbibinata siya, nandoon ang immaturity at part po talaga 'yon ng growing up," depensa niya kay Mark.

Paano ba nagsimula ang kanilang ligawan o love story?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Lian, "Bale birthday concert niya noong last December, guest niya ang EB Babes. ‘Tapos in-invite niya kami to come over sa celebration niya. E, umalis yung isa kong kasama, hindi namin alam kung pupunta kami o hindi, kaya kinuha ni Mark yung number ko.

"Hindi ko inisip na it will lead to something, kasi alam ko ang image niya, e. Pero crush ko na siya noon pa," pag-amin ng dalaga.

Inamin din ni Lian na nasaktan siya nang itanggi noon ni Mark ang tunay na namamagitan sa kanila.

"Parang na-deny nga ang relasyon namin at masakit po ‘yon dahil siyempre hindi ko pa po alam kung paano ko iha-handle ang situation—showbiz po, e. Pero naintindihan ko na rin na kailangan talaga dahil sa trabaho. Napag-usapan namin na para sa career ‘yon, lalo na sa part niya dahil marami siyang ka-loveteam, e."

Sinabi rin ni Lian na si Mark ang mas seloso sa kanila.

"Ako po nagseselos din kapag may balitang nali-link siya sa iba. Natural lang naman siguro ‘yon, pero hindi ganoon kagrabe. Pero si Mark, sobrang seloso po. Kahit maliit na bagay lang ay pagseselosan na niya. Pero ang nakatutuwa, iba ang paglalambing niya, sobrang lambing at sweet niya sa akin."

Pero ngayon ay maayos na ang lahat sa kanila at smooth ang kanilang relasyon na magwa-one year na on February 14.

Matagal nang walang nali-link ngayon kay Mark, so paano ba napatino ni Lian ang young actor na tinaguriang chickboy? Ano ang kanyang sikreto?

"Talaga po bang good boy na siya?" nakatawang tugon ng dalaga. "Siguro po ang sikreto, kailangang maging understanding. Dapat sobra, dahil sa work niya, marami siyang ka-loveteam, ‘tapos kulang ang time para sa aming dalawa. So, the best na magagawa ko ay intindihin na lang siya at importante sa amin yung constant communication."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN